Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi bakla si Bimby – James

0 831

Nagsalita na rin si James Yap hinggil sa gay issue na ipinupukol sa binatilyong anak nila ni Kris Aquino na si Bimby.

Ayon sa entertainment writer na si Dolly Anne Carvajal sa kanyang Inquirer column, nakausap niya si James at tinanong niya in Ilonggo kung ano ang feeling nito kapag sinasabing gay si Bimby.

Sagot ni James ( in English and Ilonggo), sigurado siya na hindi gay ang kanyang anak.

“Miga, tahimik lang ako gani parte sa issue na agi kuno si Bimby kay kabalo ko indi man guid siya agi. Dili ako gapati sa kucho-kucho. (I’ve been quiet about the issue that Bimby is supposedly gay. Because I know for sure that he is not gay. I don’t believe in gossip.)

“I was with Bimby till he turned 7, that’s why I know he’s a real boy. Because even when a kid is still young, it’s already obvious if he’s gay,” pahayag ni James.

Sinabi rin ng basketbolista na naiintindihan naman daw niya ang ex-wife.

“Naintindihan ko si Kris. S’yempre, sa iya nagdako si Bimby kaya nagreact guid siya sa isyu. (I understand Kris. Bimby grew up with her, so of course she reacted to the issue.),” sey ni James.

Matatandaang sa tell-all interview ni Bimby sa kanyang ina kamakailan ay nilinaw na ni Bimby na straight siya and not gay. He also revealed na matagal na silang walang communication ng kanyang ama at wala naman daw siyang resentment dahil mayroon naman siyang “awesome mama.”

@@@

Marian babawi sa GMA

Pagkatapos ng pandemic, nangako si Marian Rivera na babawi sa GMA 7 at sa kanyang mga fan na nasasabik nang mapanood siya sa isang teleserye.

Matatandaang tinanggihan nga ni Marian ang First Yaya at si Sanya Lopez ang pumalit sa kanya.

Sa YouTube vlog ni Aiko Melendez kung saan ay guest niya si Marian, isa nga sa natanong sa Kapuso Primetime Queen ay kung babalik pa ba ito sa paggawa ng teleserye kapag natapos na ang pandemic.

“Meron. Actually, dapat nga may gagawin ako kaso kailangan naka-lock-in. Sabi ko talaga sa GMA, ‘Naku, sorry talaga. Hindi ko talaga kaya na mag-lock-in nang ganyan,’ tapos ‘yung anak ko, nagpapadede pa ako kay Sixto. So sabi ko malabo talaga,” kuwento ni Marian.

Naging very understanding naman daw ang GMA bosses at nahulaan na nga raw na tatanggi siya.

“Although very thankful naman ako kasi sabi ng GMA, ‘Understandable naman. Alam naman naming ‘yan ang isasagot mo. Pero kailangan mong bumawi.’

“Sabi ko, ‘after ng lahat ng ‘to, for sure babalik at babalik pa rin ako sa soap,’” kwento pa ni Marian.

Nabanggit din ng aktres na gusto pa niyang magkaroon ng isa pang anak para tatlo na ang kanilang tsikiting. Ang mister niyang si Dong ay gusto pa raw sana ng dalawa pa.

“Actually gusto niya, dalawa pa. Sabi ko, ‘No, dad. Matanda na ako. One last na lang.’ Sabi ko, ‘One last na lang. One, one, one,’” tsika ni Marian.

@@@

Kylie inakalang magpapakamatay

Marami ang naka-misinterpret sa post ni Kylie Padilla at inakala yata ng mga netizen ay magpapakamatay siya.

Nag-post kasi si Kylie ng larawan ng pintuang nakabukas sa itaas ng isang bahay. Sa caption ay nakasaad na “to jump or not to jump.”

Ipinaliwanag naman ni Kylie sa ibaba ang ibig niyang sabihin pero ang dami pa ring nag-comment na iba ang kanilang interpretasyon. Well, hindi namin alam kung inilagay na lang ng aktres ang explanation later nang marami na ang nagko-comment.

“P.s. i meant jump as in take the risk in life’s array of paths. NOT LITERALLY JUMP OFF. I thought that was obvious,” ang paliwanag ni Kylie.

Sa comment section ay ang daming nag-comment ng “not to jump.”

Sey pa ng isa niyang fan, “why you jump? Your family is with you and Aljur is still there waiting for You,idol”

Komento naman ng isang netizen, “I feel you..gusto ko din tumalon.”

Anang isa pa, “life is beautiful.”

May isa pang nagpayo na magpatingin siya sa doktor. “Seek medical help @kylienicolepadilla if it soo much burden. I too have been there but in a different scenario,” komento ng netizen.

Nagbiro naman si direk Mark Reyes na direktor ni Kylie sa Encantadia. Aniya, “why jump when you can fly Amihan?”

Matatandaang ginampanan ni Kylie ang papel na Amihan sa remake ng Encantadia noong 2016.

Leave A Reply

Your email address will not be published.