Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi ‘dinadaga’ sa mga survey! Lacson, Sotto palaban sa 2022

0 54

Kasado na sa 2022 election ang tambalang Senador Panfilo Lacson at Senador Vicente Sotto III para sa Pangulo at pagka-Pangalawang Pangulo, ayon na rin sa anunsiyo ni Sotto kahapon.

Sa exclusive interview ng programang ‘The Source’ ng CNN inanunsiyo ni Sotto ang kanilang plano.

“You can already read between the lines that the answer is yes,” pahayag ng Senate president.

Sa Agosto 4 umano nila opisyal na iaanunsiyo ni Lacson ang kanilang pagkandidato.

Sa Oktubre pa naman ani Sotto ang pagsusumite ng certificate of candidacy.

SM food to go Banner Ad

Nang tanungin kung ano ang maiaambag ng tambalang Lacson-Sotto sa bansa, sinabi ng Senate president ang tatlong mahalagang katangian.

“Let me sum it up in three words based on what we can offer: kakayahan, katapatan, katapangan,” pahayag ni Sotto.

Dagdag pa niya, hindi sila natitinag sa survey kung saan nangunguna ang Duterte-Duterte tandem sa pangkapresidente at bise presidente para sa 2022 election.

“Malayo pa eh,” dagdag ni Sotto. “The surveys that they are getting right now are not really reflective of what might happen on the 2nd Monday of May. So it really depends sa ating mga kababayan.” (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.