Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi estapador si Pacquiao – Lito

0 112

Sa gitna ng mainit na issue ngayon tungkol kay Sen. Manny Pacquiao at sa sinasabing dati niyang aide na si Jake Joson, dinepensahan ni Buhay Party-list Representative at Vice Presidentiable Lito Atienza ang kanyang running mate.

Ayon kay Cong. Lito sa tsikahan with the entertainment press kahapon, ikinalulungkot daw nang labis ni Pacman na sa mundong ito ay napakahirap talagang humanap ng tunay na kaibigan.

Kuwento nga niya, may panahon pa raw na binayaran pa ni Pacman ang utang umano na P35M ni Jake sa bahay sa banko.

“Ngayon, tatawagin niyang estapador si Manny Pacquiao, masakit ‘yun,” aniya.

Pagtatanggol ni Cong Lito sa kanyang partner sa Halalan 2022, “ako walang duda, si Manny ay di nanunuba, si Manny ay hindi estapador. ‘Yung mga pumaligid sa kanyang mga langaw, ‘yun na ngayon ng sumisira sa kanya.”

Dagdag pa niya, “ako’y naniniwala talaga, ang Panginoong Diyos ay protektado si Manny. Bakit? ‘Yung masasamang tao, humiwalay na sa kanya, eh. Nagkalasan.”

Natanong din si Cong Lito sa tampuhan nina Sen. Manny and Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson na hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nakakaalam kung ano ba talaga ang dahilan.

“Palagay ko, malaki ang tampo ni Chavit, hindi si Manny. Kaya ang payo ko kay Chavit, kaibigan ko rin naman na matagal na ‘yan, magkaklase kami ni Chavit sa UST, ‘kung may sama ka ng loob, kausapin mo ang kaibigan mo, hindi ‘yung sa media mo sinasabi.’ Kung ako may sama ng loob kay Manny, sasabihin ko sa kanya,” saad ng Vice Presidentiable.

Samantala, wala na pala sanang balak tumakbo si Cong Lito ngayong halalan at pa-retiro na raw sana siya nang dumating ang offer sa kanya ni Sen. Manny to be his running mate.

Sobrang ikinagulat daw niya talaga ang offer at tinanong pa niya si Pacman kung bakit siya. Matagal daw niyang pinag-isipan ang offer at ipinagdasal pa niya at malinaw daw ang nakuha niyang kasagutan kaya ngayon ay nandito siyang muli para sa panibagong hamon na ito.

Samantala, dumalo rin sa mediacon ang bagong Buhay Party-list candidate na si Von Valdepenas na siyang papalit sa iiwang posisyon ni Cong Lito.

Abrenica tinawag na ‘anak’ ng ermat ni AJ

Nagpapasalamat ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez sa Facebook revelation ni Aljur Abrenica last Tuesday. Isinawalat ng aktor sa kanyang post na si Kylie Padilla ang nagtaksil sa kanya kaya sila nagkahiwalay.

Dahil sa post na ito ng aktor, naklaro ang pangalan ni AJ na itinuturong dahilan ng hiwalayang Aljur-Kylie.

Ilang minute lang matapos ang post ni Aljur ay nagpasalamat si Alyssa kay Aljur sa pagkakalaro ng pangalan ni AJ. Tinawag pa niyang “anak” ang aktor.

“He told me everything, pero I kept my mouth shut.mas pinili Kong masaktan para sa ank ko, dahil alam ko darating Ang Araw lalabas Ang totoo . kinain ko lahat ng mga pinagsasabi sa akin namasakit ng mga walang alam sa nangyayari. Para lang wag na lumaki pa.

“Pero magpasalamat Ako “anak” kase tinupad mo Ang sinabi mong di mo kami pababayaan,” ang post ng dating aktres.

Bilang ina, siyempre ay si Alyssa ang unang-unang nasaktan sa grabeng pambabatikos na natanggap ng anak dahil sa third party tag. Pero ayon nga sa isa niyang kaibigang press, never daw itong sumagot sa mga bashers.

Hindi rin daw ito nagkukulang sa payo at paalala kay AJ bilang ina.

Ang ikinalulungkot lang daw ni Alyssa ay nadadamay ang mga inosenteng anak nina Aljur at Kylie dahil sa isyung ito. Hangad niya na maging maayos ang lahat sa pagitan ng mag-asawa na kung hindi man daw magkabalikan, at least ay maging mabuting magkaibigan man lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.