Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi kailangan maging choosy sa COVID vaccine

0 75

Nakakatuwa na tumaas na ang tiwala ng taumbayan sa Covid-19 vaccine.

Sa latest Pulse Asia survey na isinagawa noong June 7 hanggang 16, mahigit 43 porsiyento na ang nagsabing gusto nilang mabakunahan ng Covid-19 vaccine.

Halos 27 porsiyentong pagtaas ito kumpara sa 16 porsiyento na naitala sa survey noong Pebrero ng taon ito. Gayunpaman, marami pa rin ang ayaw magpabakuna, halos 36% ng mga Pinoy.

Aamin ko, noong una talagang ayaw ko ring magpapabakuna dahil hindi naman natin alam kung ano sangkap nang bakunang ituturok sa atin lalo na’y gawa pa ito sa ibang bansa. So, andoon ang pag-aalilangan at pangamba na rin.

Katulad nga mga lumabas sa mga survey, isa ako sa ayaw magpabakuna lalo na kung ang gagamiting bakuna ay ang Sinovac na mula sa China kung saan nagmula ang coronavirus disease na ito.

Sabi ko nga noon, kahit anong brand basta huwag lang Sinovac. Mas preferred kasi ng tao noon ang US-made na Pfizer at Moderna. Hate talaga nila ang Sinovac lalo na’t lumabas na mababa raw ang efficacy rate nito sa ibang bansa.

Pero dahil lalo pang tumaas ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, kasunod nang pagpasok na iba’t ibang variant kung saan ang pinakahuli ay ang Delta variant, doon na ako nagdesisyon na kung sakaling magkaroon ng oportunidad na magpapabakuna, hindi na ako magiging ‘choosy’ pa.

Ako lang kasi halos ang lumalabas sa bahay. Nagbabayad ng bills, dumadalo sa meeting, grocery, market at bumibili ng kung ano-ano pangangailanan sa bahay gayundin sa pag-aaral ng mga anak ko. So, in short madalas akong expose.

Pero noong nakatanggap ako ng call para sa first dose ng bakuna, gamit ang Sinovac brand, hindi na ako nagdalawang isip. Kahit ayaw ko dati noon sa Sinovac, this time ‘go’ na ako dahil kailangan ko ito bilang proteksiyon laban sa nakakamatay na virus na ito.

Sa isip ko noon, kung mag-inarte pa ako at maghintay ng Pfizer, Moderna o Sputnik V na brand, baka naman matiyempuhan ako ng virus na ito, pagsisihan ko pa. Di ba?

Sabi nga nila, “the best COVID-19 vaccine is the first one that is available to you right now.” Well, tama nga naman. Kung maghintay ka nang pagdating na malaking bulto ng branded na Covid-19 vaccine, baka naman iyon ang mapunta sa lugar n’yo.

Last month ang first dose ko ng Sinovac at sa awa ni Lord, walang namang side effect sa akin. Hindi ako nakaramdam ng hilo, hindi ako nilagnat. May konting pain sa braso pero tolerable naman.

At matapos ang 28 araw, sa darating na Biyernes naman ang aking second dose ng Covid-19 vaccine at ipinagdadasal ko na magiging maayos muli ang pakiramdam ko.

Uulitin ko, sa panahon ngayon, ayaw kong maging choosy dahil ang mahalaga may panlaban na ako sa virus. Ginagawa ko ito hindi para sa akin lang kundi para na rin sa proteksiyon ng aking pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.