Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Hindi kami pinabayaan ni Angel’

0 619

Nagsalita ang anak na babae ng senior citizen na pumanaw matapos pumila sa birthday community pantry ni Angel Locsin sa Quezon City noong Biyernes at nilinis ang aktres na walang kasalanan kundi ang mga taong walang disiplina.

“Hindi naman po niya kasalanan. Iyong mga tao talagang walang control, walang disiplina,” pahayag ni Jennifer Fosano kaugnay sa pagkamatay ng kanyang amang si Rolando Dela Cruz, 67-anyos.

Nagpasalamat si Fosano sa aktres dahil hindi sila nito pinabayaan sa ospital at sinagot lahat ng gastos sa kanyang ama.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Fosano, matapos na himatayin ang kanilang ama ay agad nagpunta si Angel sa pagamutan kung saan isinugod si Dela Cruz kasama ang fiancé itong si Neil Arce.

“Salamat kasi hindi niya kami pinabayaan sa ospital. `Yong nalaman niyang nahimatay `yong tatay ko hindi niya alam kung saan kami kokontakin. Nung nalaman niya, nakita niya sa Facebook na nasa East Avenue pinuntahan niya po agad kasama nung fiance niya,” sabi ni Fosano.

“Iyak daw nang iyak (Angel) sabi ng kapatid ko. Kahit naman hindi niya kasalanan ‘yon pero sinagot niya talaga kaya nagpapasalamat kami kay Angel Locsin. Siguro naman po wala namang may gustong mangyari ito,” ayon pa kay Fosano. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.