Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi kikilala sa PhilID mananagot

0 87

Mahaharap sa mabigat na kaparusahan ang sino mang tatanggi na tanggapin o kilalanin ang Philippine Identification (PhilID) card o PhilSys Number (PSN) nang walang sapat na dahilan.

Babala ni DILG Usec. Spokesperson Jonathan Malaya, ang sino mang hindi kikilala sa PhilID o PSN ay maaaring maharap sa multang P500,000.

SM food to go Banner Ad

Aniya, ang mga government official o empleyado na tatangging tumanggap ng PhilID card ay mahaharap rin sa ‘lifetime ban’ sa paghawak ng anumang puwesto sa pamahalaan o employment sa gobyerno, kabilang na ang mga GOCC at mga subsidiary ng mga ito.

Nabatid na inatasan ni DILG Sec. Eduardo Año ang lahat ng mga LGU sa bansa na tanggapin ang PhilID card bilang single requirement sa lahat ng transaksiyon sa Pilipinas – ibig sabihin, hindi na kailangang humingi pa ng karagdagang identification document mula sa madla. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.