Abante Tonite Interactive

Hindi kilala ng boyfriend

342

DREAM CATCHER

Dear Dream Catcher:
Ano po ang ibig sabihin ng panaginip na hindi po ako kilala ng taong mahal ko sa aking panaginip at may kasama siya ibang babae?
Nica

Ang mga panaginip tungkol sa iyong partner sa buhay ay maikokonek sa iba’t ibang emosyon at kadalasan ito’y may kinalaman sa aktuwal mong nararamdaman. May pagkakataon din naman na wala namang koneksyon sa aktuwal na estado ng iyong lovelife ang iyong panaginip at sa halip ang iyong partner ay representasyon ng ibang tao.

Sa iyong panaginip, sinabi mong hindi ka kilala ng boyfriend mo at may iba siyang mahal sa iyong pana-ginip. Kung ikokonek mo ito sa lagay ng inyong relasyon, posible kayang may insecurities kang nararamdaman? Pag-aralan mo ang sarili mo, pakiramdam mo ba ay hindi ka mahal ng boyfriend mo? Puwede rin namang natatakot kang mawala sa iyo ang boyfriend mo at makakita ng iba.

Related Posts

Ang iyong panaginip ay indikasyon din na maaa-ring nararamdaman mong hindi ka importante na puwedeng tungkol sa iyong lovelife at puwede rin namang sa ibang aspeto tulad ng trabaho. Kung sa opisina mo ay nararamdaman mong wala kang silbi at hindi ka importante, puwedeng ang sitwasyong ito ang pinaghugutan mo ng iyong panaginip. Kung ganito ang pinakamalapit mong interpretasyon, ang iyong boyfriend ay naging re-presentasyon lamang ng iyong trabaho o ng mga katrabaho mo na sa pakiramdam mo ay hindi naniniwala sa iyo.

Puwede rin naman na nagkaroon ka ng ganitong panaginip kung sa aktuwal na buhay ay nararamdaman mong nanlalamig na sa iyo ang partner mo.

Kailangang pag-aralan mo muna ang tunay mong sitwasyon at iwasang magtanim agad ng sama ng loob sa boyfriend mo dahil ang mga panaginip natin ay puwede namang walang koneksyon sa ating buhay sa halip ay dulot lamang ng mga eksenang napapanood, nababasa o maa-ring dahil sa mga nangyayari sa mga tao sa iyong p­aligid at hindi sa mismong sarili mong buhay.