Hindi ko ‘dinurog’ si Maris — Iñigo

613

Naging kontro­bersyal noon ang naging pahayag ni Maris Racal sa “TWBA” nang sinabi nitong dinurog ni Iñigo Pascual ang kanyang puso.

Paliwanag naman ni Iñigo, nirerespeto niya kung anuman ang nararamdaman at naging pahayag ng rumored ex.

“You know, we have our opinion on things. As human beings, we go through things.

“I respect that, I respect how she felt and what she said,” sey niya.

Hirit pa niya, okey na raw sila ni Maris as far as he is concerned.

“Like I’ve said, we’re okay, we’re on good terms, we have a lots of work to do pa together, we have a lot of common friends. We’re friends as well, so I don’t see anything na bad na masasabi ko or I don’t think there should be anything na negative on what she had said.”

Bago tumulak sa ibang bansa para sa kanyang international album, nagkausap na raw sila nito at nagkaliwanagan.

“We’re okay, honestly, we’re not on bad terms. Like I’ve said before I left for the States, you know, the things that we’re going through together, I’m not gonna say anything bad towards her.

“For me, the fact that she supports what I am doing, I’m also suppor­tive of what she is doing—that’s the most important thing about our friendship,” dugtong niya.

Esplika pa niya, hindi raw maaapektuhan ang promotion ng kanilang pelikula dahil nagkaayos na sila at ginawa nila ang pelikula para sa kanilang mga fan na naniniwala sa kanilang tambalan. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...