Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi ko ginamit presidential room sa PGH – Roque

0 452

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa ordinaryong kuwarto lamang siya nanatili habang naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa COVID-19.

Ito ang sagot ni Roque kay Iloilo Rep. Janette Garin, dating kalihim ng Department of Health (DOH), sa hinalang posibleng ginamit umano nito ang kuwartong inilaan para sa Pangulo ng bansa.

Mayroon aniyang isang kuwarto na nakareserba sa PGH para sa Pangulo subalit giit ni Roque na naghintay pa nga siya ng apat na araw bago na-admit sa PGH.

“Sa ordinaryong room po ako, apat na araw po. It took four days before I could actually enter,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.