Abante Tonite Interactive

Hindi ko siniraan si KC – Sharon

1,523

Ni: Allan Diones

Hindi pa tumatawag kay Ms. Sharon Cuneta ang panganay niyang si KC Concepcion the last time na makausap namin ang Megastar sa kanyang solo presscon after niyang pumirma ulit ng konrata sa ABS-CBN.

Nilinaw ni Ms. Shawie na hindi niya siniraan si KC sa kanyang mahabang post sa social media recently, sinagot niya lang daw ang post ni KC for her birthday, na sa social media rin idinaan ng kanyang anak.

“I didn’t get a personal message and it’s not like her. So, parang nag-aalala ako. Siyempre, nanay ako, eh.

“So, I think it’s normal lang sa mag-ina na merong mga panahon na ganyan. I’m worried lang because I don’t know what she’s going through,” bulalas ni Mega.

Aniya, it all boils down to a mother missing her daughter. Meron lang daw ibang bashers o siguro ay diehard fans ni KC na kung anu-ano ang pinagsasasabi sa social media nang hindi naiintindihan ang dynamics ng kanilang pamilya.

Hindi naman daw alam kung anong puno’t dulo, kung gaano katagal na at kung anong pinag-umpisahan ng isyu nilang mag-ina.

“I just miss my daughter, it’s very normal. And I just want to know how she is,” pakli ni Sharon.

Sa 42 taon niya raw sa showbiz ay hindi na raw siya naaapektuhan ng haters o bashers. Hindi na raw siya nasasaktan, para na siyang Teflon na hindi dumidikit.

Sambit pa ni Mega, “In the end, ang pamilya ko lang talaga ang maiiwan sa akin.

“I want to be there for my children and grandchildren. I want to make sure they’re good human beings and good Christians. Kasi, kung hindi, walang kuwenta lahat ng na-achieve ko sa showbiz.”

First Lady sa 2022

When asked kung may plano siyang maging First Lady sa 2022, ang sagot ni Ms. Sharon ay wala.

“Hindi ko po alam kung si Kiko, may balak maging President. Pero ako po, walang balak maging First Lady. Alalay puwede, puwede akong magyaya sa kanya.

“Parang mas bagay mag-First Lady, itong si Frankie dahil ang tapang,” natatawang pakli ni Mega tungkol sa panganay nila ni Sen. Kiko na si Frankie, na isinama ni Shawie sa kanyang presscon sa 9501 resto ng ABS.

“My daughter will fight to the death for her family,” dugtong ng Megastar.

Aniya, ang daddy niyang si Mayor Pablo Cuneta ay guerilla noong araw at ang side naman ng mommy niyang si Elaine Cuneta ay mga katipunera kaya may warrior blood daw si Frankie from both sides.

Aminado si Ms. Shawie na nagulat siya sa matatapang na tweets ni Frankie nu’ng lumabas ‘yung balitang sinabi ni Pangulong Duterte na gusto na raw palayasin ni Sharon ang mister na si Kiko mula sa bahay nla.

Pero expected niya raw ‘yon kasi nasaktan siyempre si Frankie bilang anak nila.

“My Frankie has that side of me that’s feisty but much more. And she’s very protective of the family because she’s a really good girl, she’s a very good girl.”

Anong reaksyon niya ‘pag may mga ganu’ng post ang anak niya?

“I talk to them. They’re very smart, my children. So, when I say, ‘You know, the President is a friend of mine. It’s hard because we love daddy so much but he probably said it out of anger or he had an outburst. You have to understand… plus dad is in the opposition.’

“You know, all these things na expected. So, after that, Frankie naman stopped. As long as I know we’re okay, gano’n.”

Ngayong January 19 ang balik ng New York ng 19-anyos na si Frankie para ituloy ang pag-aaral nito roon ng college.

Friend sina Gabby, Robin, Richard

Sa edad niya ngayon na 54-anyos ay napakarami na raw napagdaanan ni Sharon sa buhay at ang dami na rin niyang natutunan.

Ang sabi ni Mega, she learned the truth at 18 dahil sa edad na ‘yon siya ikinasal sa first husband niyang si Gabby Concepcion.

19 siya nang manganak kay KC. And the sad truth was at 21 nang magtapos ang pagmamahalan nila ni Gabby at sila ay naghiwalay.

Pero magkaibigan na raw sila ni Gabby ngayon.

“Diyos ko, padaanin na natin ‘yung mga water under the bridge. Tapos na. Na-forgive ko na lahat ng kailangan kong i-forgive kahit hindi nila hinihingi. Meron namang humingi pero…

“Life is too short. That’s what I learned. I lost a friend 5 days before Christmas. May first friend from my group of closest, closest friends of over 30 years. She was one of my backup singers and ninang ni Miel at ninang ako ng mga anak niya, kapatid nina Agot at Olive Isidro.

“So, it hit me very hard na life is too short. So, I don’t want to bear any more grudges. Pero ‘pag nag-forgive ka naman, hindi ibig sabihin gawin mong best friend ‘yung nakasakit sa ‘yo, ‘di ba?

“Relax lang. Kasi, I always believe there are good people around and there are always some good in every single person.”

Naniniwala ba siya sa kasabihan na lovers can’t be friends?

“Ay, no. I don’t believe that. Kasi, friends ko mga exes ko, eh. Si Robin (Padilla), si Richard (Gomez), si Gabby. Friends ko po sila.”

Planong mag-retire next year

Balik-ABS-CBN si Sharon para sa bagong season ng “Your Face Sounds Familiar Kids” na excited siyang makasama ulit sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid, pati na ang new batch of kids na magpapagalingan sa show.

Nabanggit ni Shawie na balak na niyang mag-retire pagtuntong niya ng 55-anyos next year. Pero sa tuwing nagpaplano raw siyang magpahinga ay dumadagsa ang offers sa kanya.

7 movies ang nakatakda niyang gawin at 3 doon ang confirmed. Isa sa Viva, isa sa Regal at isa with an indie producer.

Napag-usapan din daw ang posibleng paggawa niya ng teleserye sa Kapamilya network, na first time niyang gagawin if ever (dahil comedy series ang ginawa niya noon sa TV5).

Sa April ay may Australia concert tour mag-isa si Ms. Shawie, na dadalhin niya roon ang kanyang 40th anniversary concert. Sa May ay “Iconic” concert tour nila ni Regine Velasquez sa North America. Tapos ay isang major concert at the end of the year.

Sey ni Mega, nilulubos na niya ngayon in case next year ay titigil na talaga siya. Kaya kung siya raw ang masusunod, sana by the end of 2021 ay natapos na raw niya ang lahat ng mga ito.