Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi Lahat ng ET ay Kaibigan

0 295

Sadyang may mga tao talagang madaling makausap ng mga nilalang sa kabilang dimensyon. Tulad na lamang ng karanasan ni Edgar ng Malabon na nakipag-huntahan sa mga ET.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Mga ka-Misteryo ang paksa natin ngayon ay halaw sa usapan ng psychic na si Edgar at mga Ekstra-Terestriyal. Kung sa palagay niyo ay hindi ito swak sa inyong oanlasa at hindi maintindihan, hayaan niyong basahin ang buong salaysay sa panayam ng #Misteryo.

Misteryo: “Paano nagsimula ang huntahan niyo ng mga ET? Sa paanong paraan mo sila nakakausap?”

Edgar: “Usually ay telepathy ko sila nakakausap. Pero kung gusto ko marinig ang boses nila ay nagcha-channel ako hinahayaan kong gamitin nila ang vocal chord ko para makapagsalita sila tulad ng sa tao.”

Misteryo: “So channeling pala ang gamit mo para makausap ang mga ET? Anong alien race ba ang mga kausap mo? Martian ba sila? Jupiterian o Plutonian?”

Edgar: “Mga Martian ang lagi kong nakakausap dahil sila ang lagi kong bantay. May time naman taga-Jupiter ang kausap ko. Hirap paniwalaan di ba? Sabi ng iba sira-ulo na daw ako? Sabi ko naman wala akong magagawa kung hindi kayo naniniwala.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Wag kang mag-alala, kami sa Misteryo ay buo ang paniniwala na andito lang talaga sa dimensyon natin ang mga ET. At naniniwala din kami na may mga tulad mo ang nakakausap nila.”

Edgar: “Salamat kung ganun. Yung pakikipag-usap ko sa mga ET ay bigla lang nagaganap dahil anytime pwede ako mag-channel. May faction din pala ang mga ET tulad ng sa tao na may magkakalabang pangkat. At hindi lahat ng ET ay kakampi ng tao.

Misteryo: “May kampihan din pala ang mga ET dahil sa tao? Ano-Anong mga ET ang magkakampi?”

Edgar: “Sabi ng ET contact ko. Magkakampi ang mga Martian, Jupiterian, Venusian at Mercurian pero meron din neutral na lahi ng mga ET habang ang kalaban ay mga taga-Saturn, Uranus at Pluto. Hindi ko na tinanong kung may ala-star wars silang labanan.”

Misteryo: “May mga alien race na grey, reptilian habang yung iba ay parang robot ang hitsura, Tama ba yun?”
Edgar: “Ganito kasi, yung ganun na mga lahi ay nababalewala depende sa kung saan sila nagmula. Kaya kahit na reptilian at taga Mars o Jupiter, pwedeng sila ay kaibigan ng tao.”

Tulad ni Edgar ay meron din tayong nakausap na mga ET sa pamamagitan ng channeling pero siyempre hirap paniwalaan di ba lalu na kung Wala pa kayo sa ganitong larangan.

Para sa inyong mga tanong at karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.