Abante Tonite Interactive

Hindi magkaanak, ginahasa ng kapitbahay

By
2,105

Naaresto ang isang mangingisda matapos halayin nito ang kanyang kapitbahay sa Barangay Pinagtalleran, Calauag, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Leomar Maravilla Nogra, 29-anyos.

Batay sa salaysay sa pulisya ng biktimang si ‘Rose’, 24-anyos, dakong alas-nuwebe ng gabi nang sapilitang pumasok sa kanilang bahay ang lasing na suspek habang wala ang live-in partner nito.

Abante Hiring – IT dep

Agad umanong kinaladkad nito ang biktima patungo sa kuwarto at doon pinagsamantalahan sa kabila ng pagpupumiglas ng biktima.

Pinagbantaan umano ito ng suspek at saka sinabing siya ang bubuntis dito.

Napag-alaman na matagal nang nagsasama ang biktima at ang live-in partner nito ngunit wala pa ring anak.

Matapos ang panggagahasa, mabilis tuma­lilis ang suspek habang agad ding nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima at nagreklamo.

Makalipas lamang ang ilang oras, naaresto din ang suspek na nga­yon ay nakakulong na sa Calauag municipal police station locked up cell.