Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi makabayan

0 266

Naghain kamakailan ang Bayan Muna Party-list ng panukala para ipagbawal ang cross-ownership ng distribution utilities at power generation companies. Sa mga ordinaryong mamamayan, papogi ang dating nila dahil pinaglalaban kuno nila ang mga consumer. Pero kung hihimayin nating mabuti, mukhang may ibang agenda ang grupo.

Eh paano naman kasi, tahimik sila kapag ang pinag-uusapan ay ang retroactive FIT (feed-in-tariff) increase. Higit sa P1 per kWh ang tinaas ng FIT rate sa solar at wind pero hindi pinansin ng grupo.

Sa Cebu, napakamahal ng presyo ng kuryente kaya nagsimula nang gumulong ang imbestigasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa power supply agreement ng dalawang kompanya sa nasabing lalawigan.

Pero may narinig ba tayong umangal mula sa Bayan Muna? Mukhang wala yata. Imbes, ang pinagtutuunan nila ng pansin ay ang Distribution Utility (DU) na bumagsak na ang rate sa mga nakalipas na taon.

Kontra sila sa mga sweetheart deal pero masasabing moot na ito dahil lahat naman ng kontrata ay dumadaan sa competitive selection process (CSP) o bidding.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa mga nakalipas na CSP, nasunod ang mga pinaiiral na patakaran at regulasyon ng gobyerno para makamit ang pinakamababang rate na pakikinabangan ng mga consumer. Nasunod rin ang isinasaad ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law. Mismong ang mga DU ang sumunod sa nilalaman ng Section 45(a) ng EPIRA na “no company or related group can own, operate or control more than 30 percent of the installed generating capacity of a grid and/or 25 percent of the national installed generating capacity.”

Marami na ang nababanas sa Bayan Muna. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, kinastigo ang grupong ito at sinabing front daw ng CPP-NPA. Siyempre itinanggi ito ng grupo.

Pero nakapagdududa naman na kinokontra ng grupo ang pag-unlad ng bansa. Kinokontra nila ang mga proyekto ng administrasyong Duterte lalo na ang pagtatayo ng mga bagong power plant. Nananabotahe ba sila? Kung minsan, gusto ko na rin maniwala sa sinabi ni Pangulong Duterte laban sa grupo.

Bahagi kaya ito ng kanilang preparasyon sa 2022 elections?

Magastos ang mangampanya sa halalan. ‘Yung mga kandidato sa pagka-presidente at senador, daang milyong piso ang ginagastos sa kampanya. Alangan namang laway lang ang gastusin sa kampanya ng party-list organization. Tiyak na may pinagkukunan din sila ng pondo.

Hindi naman masama ang magtanong lalo na sa grupong laging pinagdududahan ng administrasyon. Patunayan nilang sila ay makabayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.