Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi makatulog

0 477

Sa dinami-dami ng ating iniintindi, makakain ng ating pamilya, ang bubong sa ibabaw nila, edukasyon ng mga anak, ang ating mga trabaho, pati na ang ating kalusugan na ngayon ay nanganganib dahil sa pandemyang Covid19. Kaliwa’t kanan na ECQ, walang kasiguraduhan kung sino ang may sakit at baka tayo ay mahawa ang dumadagdag pa sa ating kaisipan. Dapat sa pagtapos ng araw ay makukuha natin makapagpahinga ng mabuti. Ngunit bakit hindi tayo makatulog? At parang hirap na hirap pa na makuha ang ninanais na pahinga.

Insomnia ang tawag sa pagkakataon na hindi makatulog kahit gustong gusto ng pumikit ang mga mata. May tatlong klase ito, acute o bago, transient o panandalian lamang, at chronic o pangmatagalan.

Stress ang kadalasang salarin dito. Sa sobrang daming iniisip ay hindi makuha ng ating utak na tumigil basta basta. Kaya kinakailangan nating matulungan na makundisyon ito na makatulog ng mahimbing. Ang unang kinakailangan ay siguruhing magkaroon ng tamang skedyul at masundan ito. Makatulog sa tamang oras at magising din sa angkop na oras. Pinakamainam ay regular itong sundin kahit sa mga araw na walang gawa o trabaho. Kung matutulog na, kinakailangan magumpisa nang humiga mga isa hanggang 2 oras sa pinaplanong pagtulog. Kung nakatakdang matulog ng alas 10 ng gabi, dapat ay nakahiga at relaks na ng kahit alas 9 man lang. ang pinaka mahalaga ay walang makaabala sa pahinga. Walang distractions. Kabilang dito ang telebisyon, radyo, computer, devices, lalong lalo na ang cellphone. Mahalagang maklaro ang ating pagiisip sa oras na tayo ay matutulog na. Dapat din patayin ang ilaw sa silid. Kung natatakot sa dilim, maaaring maglagay ng maliit na ilaw sa gilid ng kwarto o night light. Pinakamahalaga ay kumportable ang kundisyon ng pagpapahinga.

Iwasang kumain ng madami bago matulog. Lalong lalo na huwag uminom ng kape kung hapunan na ito. Higit sa lahat, huwag uminom ng alak para makatulog. Hindi solusyon ang malasing para mapikit ang mata at makapahinga. Huwag din manigarilyo para matanggal ang stress. Maaaring uminom ng mga supplements gaya ng vitamin B complex at ng melatonin para mas gumanda ang daloy ng dugo at nerves para mas mapaganda ang tulog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pinakamahirap ay kung hindi makuha ang kinakailangang tulog, maaapektuhan ang lagay kinabukasan at mas mahihirapan maayos ang mga dapat na trabaho. Kung hindi magawa ang trabaho, sunod sunod ang magiging problema. Kaya’t bago pa magkagulo ang mga susunod na araw, sikapin natin makakuha ng maayos na tulog

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.