Abante Tonite Interactive

Hindi makita ng Registry of Deeds

421

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Good day po, ano po ba ang dapat gawin kung ‘yung title ng lupa po namin ay hindi po makita ng Registry of Deeds? Nawawala daw po `yung records.

Kailangan ko po kasi para po makapag-loan kami at hindi po kami ma-approve approve sa loan dahil po nawawala daw po `yung title sabi ng Registry of Deeds.

Nag-pay na din po kami ng processing fee.
Paki-help lang po. Salamat po ng marami.
Regards,
Eric

Mr. Eric,
Alamin muna sa Re-gistry of Deeds kung bakit nawawala ang titulo na dapat na nasa kamay o kustodiya nila. Ang kanilang opisina ba ay nasunog o nabaha kaya’t karamihan sa mga titulo (10%) ay hindi na makita at kasama ang titulo ninyo? Kung nasunog, nasira, nabaha nga at ang karamihan sa mga titulo ay ang Registry of Deeds mismo ang kikilos upang magkaroon ng administrative reconstitute ang mga titulong nasunog upang maibalik sa records nila. Ayon sa RA 6732 ay:

“Sec. 110. Reconstitution of Lost or Destroyed Original of Torrens Title. – Original copies of certificates of titles lost or destroyed in the offices of Register of Deeds as well as liens and encumbrances affecting the lands covered by such titles shall be reconstituted judicially in accordance with the procedure prescribed in Republic Act No. 26 insofar as not inconsistent with this Decree.

The procedure relative to administrative reconstitution of lost or destroyed certificate prescribed in said Act may be availed of only in case of substantial loss or destruction of land titles due to fire, flood or other force majeure as determined by the Administrator of the Land Registration Authority: Provided, That the number of certificates of titles lost or damaged should be at least ten percent (10%) of the total number in the possession of the Office of the Register of Deeds: Provided, further, That in no case shall the number of certificates of titles lost or damaged be less than five hundred (500).

Kung ang titulo mo lamang ang nasunog, nasira o nawawala ay kailangan kang magsampa ng Judicial Reconstitution sa korte at doon mo papatunayan ang karapatan at interest mo para ma-reconstitute ang titulo. Ipapakita mo ang lahat ng dokumento na magpapatibay na ikaw ang may-ari ng lupa at dapat lamang na mag-reconstitute ang titulo upang maibalik sa records ng Registry of Deeds.

Ang problema ay kung wala talaga ang titulo mo at hindi nag-exist ang titulo ay lalabas na wala silang basehan na ma-recons-titute ang titulo mo. Kapag hindi iyon nag-exist sa records nila at walang basehan ang titulo mo ay malamang na peke ang titulong hawak mo.

Kaya ang unang gawin ay alamin sa Re-gistry of Deeds kung ang hawak mo na titulo ay tunay at kung maaa-ring maging basehan ito ng administrative reconstitution, ngunit kapag sinabi na ang titulo mo ay wala sa records nila at hindi legal na na-issue kahit kaninuman ay dapat ka ng kumilos laban sa nagbenta sa inyo ng lupa.

Kung may katanu-ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.