Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi mapipigilan ang pagtanda

0 189

Kung may isang bagay na hindi mapipigilan, ito ay ang oras. Hindi natin ito mababalikan kung hindi sa alaala lamang. Ngunit hindi dapat malungkot dahil ang bagong araw na hinaharap ay bagong yugto ng ating kasaysayan. Ganoon din sa ating kalusugan, hindi maiiwasan na tumanda, na kaakibat ang panghihina at pagbagal ng metabolismo. Ngunit hindi din naman syento porsyento na mabilis ito at siguradong may sakit tayo. Maaari din namang mapabagal ang degeneration natin.

Unang una sa lahat, mainam kung malaman ang tunay na hulmahan natin sa pamamagitan ng pagalam kung ano ang ating genes na ipinasa sa atin ng ating mga magulang. Nakikita ito sa ating genetic profile. Ito ay hindi para malaman kung anong mga sakit ang minana natin, kung hindi, para malaman kung ano ang maaari nating gawin dahil alam natin kung maganda o hindi ba ang ating minanang mga genes.

Ang degeneration o pagtanda ay hindi lang dahil dumating na sa edad na sisenta o 60, at mayroon nang senior citizen card. Nagumpisa ang ating growth nung tayo ay sanggol pa, primary growth ang tawag dito. Biglang bumilis nung naging teenager at nagkaroon ng secondary growth spurt at tuloy ang pagbilis hanggang maging matanda. Ngunit sa totoo lang, pagdating natin ng mga 30-35, naguumpisa na tayong tunay na tumanda at mag degenerate. Nasa kung papaano natin alagaan ang ating katawan malalaman kung babagal ito o mapapabilis pa.

Madaling sabihing panatiliin ang healthy lifestyle para bumagal ang pagtanda. Ngunit ano ba talaga ang maaaring gawin para mapabagal ito? Para sa mga buto, maaaring gawin ang sumusunod.

1. Kumain ng gulay, mataas ang vitamin C ng mga ito para sa mga bone forming cells,

2. Magehersisyo, strength training at weight bearing exercises, ang kada apak ay nagstimulate ng magandang pagtubo ng bagong buto

3. Kumain ng tamang protina, dahil ang komposisyon ng buto ay protina din

4. Kumain ng mga pagkaing mataas sa Calcium maghapon, pinakaimportanteng mineral ng buto

SM food to go Banner Ad

5. Mag Vitamin D3 at K2 upang mas gumanda ang pagpasok ng Calcium sa buto

6. Huwag masyadong magdyeta lalo na kung low calorie dahil maaaring bumagsak ang ating muscle mass

7. Maaaring mag collagen, type 2, bovine, para sa pagtibay ng lamad na nasa joints,

8. Panatiliin ang timbang nang hindi bumigat at mahirapan ang mga kasukasuan,

9. Maaaring magdagdag ng magnesium at zinc, mga minerals na kailangan din ng buto, at

10. Ang pagkain ng mataas sa Omega 3 na pagkain para mabawasan ang anumang pamamaga sa ating katawan at mainam na proteksyon ng buto lalo na habang tumatanda.

Hindi dahil tumatanda ay dapat magmukha tayong matanda. Maaaring tumikas pa din sa kilos at galaw, kung mapapatobay natin ang ating mag buto.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.