Abante Tonite Interactive

Hindi maramot sa papuri

FOR THE RECORD

By
0 122

Kung marami ang na-bad trip, tiyak na good vibes ang dating ngayon ng umatras na tatakbo dapat Vice Mayor ng Quezon City na si Cong. Winston Castelo.

Ito ay dahil nananawagan ang mambabatas na ipamudmod ng maaga ang 13th month pay at Christmas bonus ng mga manggagawa dahil sa katiting na umento lamang ang napala ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Sabagay nga naman kung maagang maipamimigay ang mga biyaya ng mga manggagawa ay makakabili ang mga ito ng kailangan para sa Pasko gaya ng pagkain at regalo habang hindi pa umaakyat ng todo ang presyo ng mga bilihin.

Maging maingat nga lamang sa paggastos ang lahat ng empleyadong makakatanggap ng maagang biyaya upang hindi ngumanga sa mismong araw ng Kapaskuhan.

Sabi nga, hindi dapat ipinagkakait ang papuri sa mga taong nakapag-ambag ng maganda at nakagawa ng kabutihan sa iba. Bukod sa nakabubusog sa damdamin, magagamit din nila itong inspirasyon para lalo pang magsumikap at magtanim ng magagan­dang gawa sa kapwa.

At hindi ito ipinagmaramot ni bagong Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., kay dating Secretary Allan Peter Caye­tano na nagbitiw sa puwesto bilang paghahanda sa kanyang kandidatura sa 2019 election.

Sinabi ni Locsin na sa ilalim ng nagdaang pamunuan ay mas napahusay ang pagpoproseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong sa mga Overseas Filipino Workers sa buong mundo.

Sa kanyang social media post, pinuri ni Locsin ang mga ipinatupad na reporma ni Cayetano.

Sabi pa ni Locsin sa kanyang post sa Twitter, mas napaganda ang frontline services ng DFA sa panahon ng panu­nungkulan ni Cayetano.

“A lot of the front line work done by DFA so well is done by contractuals like passports which Alan did so much to improve,” ang bidang post ni Locsin para sa pinagmanahan ng kanyang posisyon ngayon.

Sabagay, sino nga ba naman ang hindi bibilib kay Cayetano na napaikli ang oras ng paghihintay para sa pagpapalabas ng passport sa loob lang ng anim na araw.

Positive results naman talaga ang ibinunga ng mga programang ipinatupad nito simula pa noong isang taon kasama na ang pag-dagdag ng kapasidad ng DFA na tumanggap ng bugso ng mga aplikante.

Nagkaroon din ng feedback mechanism sa DFA para malaman ng mga aplikante ang problema sa ipinasang aplikasyon pati na rin ang mga dokumentong kailangan nilang kumpletuhin at isumite ang email ay ipinapadala sa aplikante 48 oras matapos ang evaluation ng kanilang papeles.

Binago na rin ang disenyo ng sistema sa mga pag-prompt sa mga aplikanteng puwedeng dumaan sa courtesy lane kung saan ‘di na nila kailangan na dumaan sa online appointment.

Maliban sa mga pagbabago ng pagpoproseso ng pasaporte, inuna ring asikasuhin ni Cayetano ang kapakanan ng mil­yun-milyong mga OFW sa buong mundo. Sa panahon ng kanyang panunungkulan sa DFA, sinagot ng ahensya ang exit fines, iba pang penal­ties at airline ti­ckets ng mga uuwi nating kababayan. Dagdag pa rito ang tulong pinansyal mula sa ahensya.

Aba eh sino nga ba naman ang hindi pupuri kung ganito kaganda ang serbisyo?