Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi masahe

0 78

Kadalasan sa mga karamdaman, konserbatibo ang paggamot at pagtrato. Magkakasama ang gamot, warm compress, pahinga at paglimita at hinay hinay na pagkilos at paggalaw. Pagkalipas nito, at umayos ang kalagayan, kinakailangan naman kumilos at gumalaw. Nagbibigay at nagrerekomenda ng mga ensayo na kailangang gawin. Kung nararapat, pinaparefer natin sa rehabilitation and physical therapy.

Mayroong pag-aalinlangan ang iba kapag nakarinig ng salitang “rehabilitation“ dahil agad agarang inaakala ang rehab ng mga adik, mapa droga, alak o kung sa anumang bagay, at may kinalaman sa utak o nababaliw na. Hindi ganoon ang rehabilitation medicine. Ang buong tawag ay Physical medicine and rehabilitation o physiatry (hindi psychiatry). Ito ay isang sangay ng medisina na tumatalakay sa pagayos at pagbalik ng abilidad para sa tamang kilos at galaw, pagtagumpayan ang mga disabilities, at upang umayos din ang quality of life ng isang may karamdaman. Ang tawag sa mga rehabilitation medicine specialists ay mga physiatrist. Sila ang namumuno sa paggawa ng programang naaangkop para sa mga may sakit at kapansanan. Ang gumagawa naman ng programang ito ay ang mga physical therapists at hindi masahista. Ang massage therapy ay maaaring maging isa sa mga maaaring kasama sa programa, ngunit hindi lang ito.

May 8 sangay ang physical therapy. Ang (1) bone health, (2) joint health, (3) nerve injuries, (4) pain therapy, (5) sports injuries, (6) congenital conditions, (7) brain disorders, at (8) general physical medicine.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kadalasang programa ay maaaring mahati sa dalawa. Ang una ay may kinalaman sa pag relax, pagtanggal ng pamamaga, at pagpababa ng pangingirot ng bahagi ng katawan na apektado. Ito ang mga modalities, kasama dito ang mga sa pamamagitan ng init o lamig, elektrikal, ilaw, at mekanikal na pamamaraan. Mga halimbawa nito ay ang hot moist packs, ultrasound, electrical muscle stimulation, tens, lasers, electrotherapy, hydrotherapy at mga iba pa. Ang pangalawang bahagi ay ang mga ehersisyong gagawin. Mayroong active at passive. Ang active ay ang pasyente ang kusang kumikilos at gumagalaw. Ang passive naman ay tinutulungan ng therapist upang makakilos at makagalaw. Kabilang sa mga aktibidad ay ang mga stretching, setting at strengthening, pati na mga range of motion para manumbalik ang nakaraang lakas, kilos at galaw ng isang may sakit, naaksidente, o naoperahan.

Hindi rin kaagad makukuha ng minsanan ang gusto nating ikakalabasan. Kaya mayroong sets ng sessions na dapat gawin sa loob ng isang linggo o buwan. Maliban dito ay may mga dapat din gawin sa bahay ang pasyente at katulong ang mga kasamahan nito. Dapat din pasensyoso ang lahat. Hindi lang ang doktor, pati ang pasyente, at higit sa lahat ang mag kasama nito, mapakamag anak o kasama sa bahay para sa tuluyang paggaling ng isang nangangailangan ng physical therapy.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Get Vaccinated!

Leave A Reply

Your email address will not be published.