Abante Tonite Interactive

Hindi na kailangan ang Department of OFWs

307

Bakit kailangan pang magtatag ng bagong ahensiya ang gobyerno partikular ang Panukalang Department of OFWs.

Nais daw ng ­panukala na lubos na maprotekthan ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat.

Ang implikasyon nito’y tila gusto na ng ating gobyerno na habang buhay na magtratrabaho sa labas ng bansa ang mga Pilipino.

Ang buong akala natin na nais ng administrasyong Duterte ba pagbutihin ang ekonomiya at kabuhayan sa ­Pilipinas upang wala ng Pilipino ang magtatrabaho sa ibayong dagat.

Hindi naman ­garantiya na kung magkakaroon ng ­Department of OFWs upang wala ng maabusong Pinoy na manggagawa sa ibayong dagat.

Mas magiging ­pabigat ba naman sa mga tax payer ang panibagong departamento sa gobyerno.

Taliwas din ito sa panukalang streamlining ng burukrasya sa gobyerno.
Maaari namang palakasin na lang ang kapangyarihan ng POEA At OWWA na siyang panguna­hing nangangalaga sa OFWS.

Bukod dito ay paigitingin pa ang ugnayan ng Department of Labor and Employment At Department of Foreign Affairs upang matiyak ang kalagayan ng OFWs na nalalagay sa panganib sa ibayong dagat.

Ang pinakamainam pa rin na pagtuunan ng pansin ng gobyerno at ng mga Senador at Kongresista ay lumikha ng maraming trabaho sa Pilipinas upang tapusin ang ang pangingibang bansa ng mga Pilipino upang magtrabaho at huwag nang malayo sa kanilang pamilya at higit sa ­lahat ay makaiwas sa anumang panganib nang pagmamaltrato o pang aabuso ng mga dayuhang ­employer.

Dapat ay ang pinaka-aasamin ng gobyerno at ng ­buong samabayan ay wakasan na ang pagtratrabaho ng mga Pilipino sa abroad, marami sa kanila’y nagsakripisyo at napilitan lang na lumayo sa kanilang pamilya dahil sa kahirapan at kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.