Abante Tonite Interactive

Hindi na kayo lulusot

FOR THE RECORD

By
0 145

Asahan na natin ang katakot-takot na mga campaign material ng mga kandidato sa bawat sulok ng lugar dahil opis­yal nang magsisimula ang campaign period bukas para sa mga tumatakbo sa national post, partikular sa Senado.

Tiyak na marami na naman ang pasaway diyan na kung saan-saan magkakabit ng poster at tarpaulin ng mga kandidato.

Pero huwag kayong magpapakampante dahil aarangkada na rin ang Operation Baklas ng Commission on Elections (Comelec), Metro Manila Deve­lopment Authority at Department of Public Works and Highways para tanggalin ang mga campaign material na wala sa mga designated common poster area.

This time, may dagdag pangil ang Ope­ration Baklas dahil pati mga kandidato ay kakasuhan nila ‘pag luma­bag sa mga designated common poster area.
Ibig sabihin po, parehong kakasuhan at makukulong ang mga kandidato at supporter nila. Ang saya ‘di ba? Siguro naman ay susunod na ang lahat at hindi ‘yung lahat ng makitang bakanteng lugar ay kakabitan nila ng pampapogi at pampaganda nilang mga campaign material.
Abangan po natin kung drawing o totohanin ng Comelec ang bantang ito. Ang ipinag-aalala ko lang, baka magkulang ang kulungan sa dami ng mahuhuli ah. Tingnan po natin……

***

Nakaka-touch ang pagpapakumbaba na ginawa kamakailan ni dating Philippine National Police (PNP) chief Bato Dela Rosa sa Obispo ng Naga kung saan napaiyak pa ito. Kung ang ibang lalaki ay takot umiyak, si Bato ay hindi lalo’t nagmumula sa puso ang paghingi nito ng kapatawaran sa mga nangyaring patayan sa bansa dahil sa ini­lunsad na giyera kontra droga. Ang kampan­ya laban sa droga ay kinailangan dahil kabataan at pamilya ang unang-unang sinisira ng droga.

Sa kanyang malalim na karanasan sa pagiging pulis, alam ni Bato kung ano ang mga tunay na problema ng lipunan dahil nakasa­lamuha nito sa loob ng maraming taon ang mga pangkaraniwang mamamayan pati mga kriminal kaya kapang-kapa nito kung ano ang mga pinag-uugatan ng mga nagsisilbing salot sa lipunan at kung ano ang mga kulang para ganap na makamit ang kapayapaan at kaayusan.

Kaya naman nga­yong tumatakbo sa Senado si Bato, puwede itong ilinya sa mga dapat bigyan ng konsiderasyon. Matapang, may puso at maru­nong magpakumbaba. May malaki itong maiaambag sa paglikha ng mga batas na kaila­ngan para magkaroon ng tunay na kaayusan sa bansa.
Kung ikukumpara si Bato sa mga perso­nalidad na pabalik-balik na lamang sa Senado, hindi na magi­ging mahirap ang pumili kung sino ang dapat bigyan ng isang boto.

Attachments area