Abante Tonite Interactive

Hindi napapanis ang honey

188

Ang gagamba ay nabibilang sa pamilya ng mga Arachnids at hindi isang uri ng insekto.
***
Parehong anggulo ng mukhabuwan ang ating nakikita sa tuwing nagkakaroon ng full moon.
***
Ang ‘stewardesses’ ay ang pinakamahabang salitang tinitipa sa keyboard gamit ang ating kaliwang kamay.
***
Ang honey o pulot ay isang uri ng natural na pagkain na hindi nasisira o napapanis.
***
Ang paboritong nating M&M’s chocolate ay hango sa inisyal ng mga imbentor nitong sina Mars & Murrie.
***
Alam n’yo bang 66 porsiyento ng buong buhay ng isang pusa ay ginagamit nito para matulog lang.
***
Ang pinakamaliit nating buto ay makikita sa tainga.
***
Ang isang mamamayan ng bansang Switzerland ay kumukunsumo ng 10 kilo ng tsokolate kada taon.
***
Ayon sa pananaliksik, ang madalas na dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa ay pera.
***
Ang macadamia nuts ay lason kung makakain ng isang aso.
***
Alam n’yo bang ang kidlat ay umaabot sa 30,000 degrees ang init na ibinubuga.
***
Ang pagkain ng maraming celery ay makakatulong para masunog ang calories sa ating katawan.
***
Ayon sa mga siyentipiko, ang Australia ang itinuturing na kontinenteng walang aktibong mga bulkan.
***
Ang pinakamahabang kalye sa buong mundo ay matatagpuan sa Toronto Canada, ito ay ang Yonge street na may sukat na 1,896 kilometers.
***
Ayon sa pag-aaral kadalasang tumataas ang insidente ng suicide tuwing summer dahil sa pag-init at pagtaas ng hormonal changes ng katawan.
***
Ang mga pagano ay gumagawa at nagdidiwang ng summer sa pamamagitan ng pagtalon ng mag-asawa sa bonfire, pinaniniwalaang ang mas mataas na pagtalon sa apoy ay magdudulot ng mas mataas na ani sa mga produktong kanilang itinatanim.
***
Ayon sa pananaliksik mas matindi raw ma­ngaliwa ang tao tuwing panahon ng tag-init.
***
Palasak tuwing tag-init ang pakwan. Ito ay nagtataglay ng 92 percent tubig at tuwing summer ay nakaka-konsumo ang mga kano ng 15 pounds nito kada taon.
***
Ang popsicle ay aksidenteng naimbento ng isang 11-anyos na bata sa San Francisco noong 1905 panahon naman ng tag-lamig. ‘Di sinasadya niyang naiwan ang isang baso ng soda sa labas ng bahay at nang balikan niya kinabukasan ay frozen na ito.
***
Ang pinakamahabang summer bikini parade na naitala ay nangyari noong August 19, 2012 sa China na dinaluhan ng mahigit sa 1,085 participants.
***
Ang unang Olympic Games ay naganap noong 1896 na tinawag na Games of the Olympiad in Athens Greece. Ito ay ginanap sa Pana­thinaiko Stadium, ang unang pinakamalaking stadium na dinaluhan ng may pinakamaraming crowd sa isang sporting event.
***
Sa United States of America ay mahigit na 650 million long distance trips ang nangyayari tuwing tag-init. Ang 5 pinaka-popular na ginagawa ng mga Kano ay ang 1. pagbabakasyon malapit sa beach, 2. Pamamasyal sa mga mga pamosong lungsod, 3. Pagpunta sa mga national parks, 4. Tour sa mga lake, 5. Ang iba naman ay pumupunta sa mga resort.
***
Tuwing tag-init naman sa France ay umuunat ang mga bakal ng Eiffel Tower na nagre-resulta sa pagtaas nito ng mahigit sa anim na pulgada.
***
Ang buwan ng tag-init na June ay kinuha mula sa pangalan ng asawa ni Jupiter na si Juno. Pinapalagay ding nagmula ito sa salitang Juniores, tawag sa lower branch ng Roman senate.