Abante Tonite Interactive

Hindi natutulog ang mga “bullfrog”

30

Sa morse code ang “-.-“ ay makahulugang “K”

***

Ang Japanese square watermelon ay isang uri ng ornamental plant at hindi puwedeng kainin.

***

Ang imbentor ng Rubik’s cube na si Erno Rubik ay gumugol ng isang buwan upang makagawa ng pattern para mabuo ang puzzle na ito. Samantalang ang world record sa ngayon para mabuo ang puzzle na ito ay 5.55 segundo lamang.

***

Alam nyo bang walo sa sampung malalaking statue sa buong mundo ay pawang Buddha.

***

Ang mga bullfrog ay hindi natutulog ayon sa pag-aaral.

***

Ang television ay naimbento dalawang taon matapos maimbento rin ang sliced bread.

***

Ang ating ilong ay may kakayanang maka-identiy ng 50,000 ibat ibang uri ng amoy.

Related Posts

***

Karaniwang kulay pink ang mga toilet paper na ibinibenta para sa mga household sa bansang France.

***

Si George Clooney ang nagbigay boses sa karakter na ‘Sparky’ – ang bading na aso sa pelikulang South Park.

***

Ang karakter na si Admiral Ackbar sa Star Wars Episode VI: Return of the Jedi ay hindi taong naka-suit kundi isang higanteng puppet.

***

Ang tawag sa proseso kung saan ginagawang toasted ang tinapay ay ‘Maillard Reaction.’

***

Alam nyo bang walang nakatayong tulay sa Amazon river.

***

Sa bansang South Korea ay mayroong emergency number (113) na tinatawagan upang ireport ang mga espiya.

***

Kung inyong mapapansin, dalawang maliliit na butas ang inilalagay sa lahat ng BIC pen upang mabalanse ang air pressure sa loob at labas ng ballpen at ito’y nakakatulong para dumaloy ng maayos ang tinta kapag ipinangsusulat.