Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi pa sarado ang pinto para sa ABS-CBN

0 221

Nitong katapusan ng Agosto, naging mapait na realidad para sa libo-libong manggagawa ng ABS-CBN ang pagkait ng House Committe on Legislative Franchises ng bagong prangkisa sa dating pinakamalaking brodkaster ng telebisyon at radyo sa buong bansa. Dahil umano sa patuloy na pagbagsak ng kita, napilitan ang korporasyon na isara ang mga lokal na programa ng TV Patrol na nag-uulat ng balita sa 12 rehiyon sa buong kapuluan. Tuloy-tuloy din ang pag-anunsiyo ng pagsibak sa mga susing empleyado nito, kabilang ang ilan sa mga pinakasikat nilang tagahatid ng balita.

Muling napatampok ang mga kahindik-hindik na epekto ng tiranikong pakana ni Pang. Duterte na ipasara ang ABS-CBN: ang pagkawala sa trabaho ng libo-libong mga empleyado; ang paghinto sa operasyon ng pangunahing tagapaghatid ng balita at impormasyon sa mga lalawigan, gamit ang wika ng rehiyon; at ang hambalos sa malayang pamamahayag dulot ng pagpapatahimik ng rehimen sa brodkaster na itinuturing nitong kritiko. Higit na masahol, gayong nagaganap ang lahat ng ito sa gitna ng pinakamalalang krisis pangkalusugan at pangkabuhayan ng ating panahon.

Sa iba’t ibang paraan, naipakita ang malawak na suporta ng publiko para sa paggawad ng bagong prangkisa sa ABS-CBN. May ilang mga artista, mamamahayag, at personalidad na lantarang naghayag ng kahandaang ituloy ang laban para sa prangkisa. Sa kabilang banda, may ilan ding pumupuna nang pabulong na tila naglaho na ang palabang diwa ng mga may-ari at punong ehekutibo ng ABS-CBN. Animo’y tanggap na nila ang kabiguan sa Kongreso at nag-aabang ng posibleng katubusan mula sa administrasyon ng susunod na Pangulo. Samantala, isinusulong ang kampanyang People’s Initiative, ang pagkalap ng 7 milyong pirma mula sa bawat distrito at barangay ng bansa, upang direktang maisabatas ng taumbayan ang prangkisa ng ABS-CBN. Hindi biro ang pagsisikap at rekurso na kailangang ibuhos ng mga taga-suporta ng ABS-CBN upang magtagumpay sa landas na ito.

Gayunman, ipinahiwatig ng administrasyon na hindi pa nito tuluyan at ganap na isinasara ang pinto para sa ABS-CBN. Sa kanyang State of the Nation Address, dinekalra ni Pang. Duterte mismo na hindi igagawad sa ibang pribadong entidad ang mga frequency na binawi sa ABS-CBN. Gagamitin daw ito ng gubyerno para sa distance learning program ng Department of Education. Magandang balita ito para sa brodkaster. Ang paggawad ng mga frequency ng ABS-CBN sa ibang korporasyon, na esklusibong makagagamit nito sa susunod na 25 taon, ang tanging bagay na ganap at lubos na makapipigil sa muling pagbangon ng ABS-CBN. Habang nasa kamay ito ng gubyerno, buhay pa ang pangarap ng pagbabalik sa himpapawid.

Kapansin-pansin din na iniwang bukas ni Speaker Alan Peter Cayetano ang posibilidad, na tinutulak ng Makabayan bloc, na isalang sa plenaryo ng Kamara ang huling pagpasya sa usapin ng prangkisa. Inamin ni Cayetano na “anything is possible” at may “buong kapangyarihan” ang kapulungan para pagtibayin o baliktarin ang boto ng Committe on Legislative Franchises. Kaya lang, prayoridad daw ang pagtugon sa pandemya.

Walang duda na alam ng magkabilang panig na bukas pa ang pinto, at maaaring magbago ang ihip ng hangin sa isang iglap

Leave A Reply

Your email address will not be published.