Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi proteksyon ang steroid laban sa COVID -19

0 125

Lumolobo, tinatadtad ng taghiwayat, napapalakas ang kain, hindi makatulog at iritable. Ilan lang yan sa panlabas na epekto ng dexamethasone, isang steroid na kadalasang ginagamit ng may lupus, arthritis, asthma at severe allergy. Ang mas matindi ay ang panloob na epekto tulad ng pagtaas ng blood sugar, paghina ng mga muscles, hindi gumagaling agad ang sugat at nagkaka-heartburn.

Ang dexamethasone ay anti-inflammatory. Pinipigil nito ang immune system na maging overactive. Ginagamit ito ng mga may autoimmune disease dahil masyadong aktibo ang kanilang immune system at inaatake tuloy kahit ang kanilang mga matitinong cells, dahilan kung bakit lalong bumabagsak ang kanilang katawan at hindi nakakalaban sa sakit.

Ito ang dahilan kung bakit hindi epektibo ang gamot na ito na pamproteksyon laban sa Covid-19 o panggamot sa mga may mild to moderate na kaso ng Covid-19.

Ayon sa mga researchers ng United Kingdom, nakita nilang epektibo lamang ang dexamethasone para sa mga malala ang kondisyon dahil sa Covid-19.

Your email address will not be published.