Abante Tonite Interactive

Hindi puro dada, nakikita rin sa gawa

9

Dear Sir:

Ang tapang ni Pangulong Duterte ay hindi lamang tapang sa pana­nalita kung ‘di tapang sa gawa.

Bilang isang stud­yante, ngayon lang ako nakabalita na isang presi­dente ang mismong dumayo sa battle zone para pataasin ang moral ng kanyang mga sundalo na patuloy ang pagsuong sa peligro maisalba lamang ang kalayaan ng Marawi.

Sa panahon ng ibang mga presidente nagkaroon rin ng sigalot tulad nito, pero walang nag­lakas ng loob na pumwesto sa kinalalagyan ng mga sundalo.

Bilib ako sa natatanging presidente na kayang ipain ang kanyang kaligtasan laban sa mga ralihistang NPA nung kanyang SONA at ngayon ay tahasan nyang pinasok ang battlezone ng walang alinlangan.

Ganito sana ang ­susunod na presidente uupo sa kanyang pwesto. Hindi puro dada kundi maki­kita rin sa gawa ang kanyang mga salita.

Jamaica Rey
Compostela Valley

***

Dear Sir:

Talagang ayaw paa­wat ng NPA sa pagpatay. Sundalo, pulis o simpleng mamamayan, lahat ‘yan walang patawad at walang ligtas sa maitim nilang budhi.

Pati magsasaka, dadalihin nila. Wala silang awa. Kahit pa tirik ang araw wala silang ­takot na pumapatay.

Ito naman spokesperson ng Karapatan sigeng bintang sa militar. Militar daw kasi ang pumatay sa nasabing magsasaka. Kaya naman naghamon ang AFP kung talagang may mga ebidensya sila bakit hindi sila maghabla sa Korte Suprema?

Tama lang ang ha­mon ng militar sa Karapatan na galamay ng CPP-NPA, kung may ebidensya na tuwirang nagtu­turo sa militar sa mga ganitong kaso ng pagpatay bakit hindi magawa ng mga aktibistang grupo na ‘to na maghabla?

Commission on Human Rights, bakit tahimik yata kayo? Ayaw n’yo rin ba ilaglag ang mga kasamahan n’yong may kaliwang utak? Hustisya para sa mga magsasaka at iba pang sibil­yan na pinapatay ng mga rebeldeng NPA. Nasaan ang tunay na hustisya?

Dana R. Del Rosario
Camarines Norte