Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi resolution kundi New Year reiteration

0 86

Bagong taon na at bago dapat ang hinaharap natin, lalong lalo na ang laban sa Covid19. Ngunit makalipas ang pagdiwang ng media noche ay biglang tumaas ang bilang ng mga kaso. Lagpas ng apat na daan ilang araw bago nito hanggang sa lagpas apat na libo nung isang araw. Dahil dito ang nais nating gawin ngayon, sa halip na New year’s resolution, ay New year’s reiteration.

Pasensya na sa kakulitan, ngunit kaysa gumawa ng listahan na pagiisipan natin, ulitin natin alalahanin ang mga nararapat para everybody happy sa bagong taon na ito. Mas maging alerto at aktibo para hindi magkasakit ng Covid19.

Para mapatibay ang sarili, (1) kumain ng wasto, kumain ng tama, sa tamang oras. Bawasan, kung hindi, tigilan ang mga meryenda, pati ang midnight snack. (2) maging well hydrated. Uminom ng dalawang litrong tubig, kung mainit, maaari pang dagdagan. (3) magkikikilos at gumalaw. Bawal ang tamad at batugan. Hindi kinakailangan lumabas para magehersisyo. Maramig ehersisyo na magagawa sa bahay. Pwedeng makita sa youtube kung sakali. (4) tigilan ang mga bawal. Ang paninigarilyo, inom ng alak, at paggamit ng bawal na droga. At pinakamahalaga, (5) kailangan magpahinga. Kung ang cellphone natin ay dapat maya’t maya nagrerecharge, ang katawan natin ay ganoon din. Mamimili lang naman tayo sa boluntaryo tayong magpahinga, o pipilitin tayo ng katawan natin magpahinga. Kung ganoon, ang pagkakataon ay sa bahay ba o sa ospital tayo dadalhin.

Panlaban sa covid19, huwag kalilimutan ang minimum health requirements. Kahit paulit ulit pang sabihin. Nadalas ay hindi lang nakakaligtaan, kundi napapabayaan. Alalahanin natin na saglit na panahon na tayo ay mapariwara sa ating kamalayan ay pwede tayong mahawa. Kaya’t uulitin natin. (A) ang pagsuot ng mask. Dapat tama ang mismong mask at ang pagsuot nito. Hindi sapat ang matakpan ang ilong at bibig basta basta. Hindi pupwedeng panyo lang ang gamitin, kundi maayos na mask. Sa mataong lugar ay mas magandang doblehin ito at kung paniguro lang, gumamit muli ng face shield. Ang tamang pagsuot ng mask ay dapat natatakpan ang ilong at bibig na aabot hanggan baba. Sa gilid ay dapat hapit din ang sukat nito. (B) ang social distancing. Hindi tayo nakakasiguro kung sino ang nakaenkwentro ng ating mga kausap kaya panatiliin natin ang distansya sa isa’t isa. (C) ang disinfection. Siguraduhing malinis ang kamay at huwag basta basta kukutkot ng mukha. Higit sa lahat ay (D) ang bakuna. Kung hindi oa nababakunahan, huwag nang maatubili. Kung nabigyan na, pwede ng mag pa booster kung naka tatlong buwan na ang nakalipas.

SM food to go Banner Ad

Alalahanin natin, lahat ng ito ay hindi lang para sa atin, kundi sa ating pamilya, katrabaho, kapitbahay, at mag mahal natin sa buhay.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Happy New Year! Get Vaccinated and boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.