Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hindi tayo kulelat sa pagbakuna – Palasyo

0 168

Binanatan ng Malacañang ang mga kritiko na nagpapakalat umano na kulelat na ang Pilipinas sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

PANOORIN: PNP nasermunan ni Imee.

Sa kanyang regular press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang basehan ang mga kritiko ng gobyerno dahil tatlong bansa pa lamang ang nagsimula ng kanilang vaccination program sa maliit na bahagi ng kanilang populasyon.

“Sabi ng mga kritiko, kilala niyo kung sino `yon, `yong walang magawa kundi pula ng pula noh. Nahuhuli na naman daw tayo sa pag-roll out ng bakuna. Kasinungalingan, walang basehan, guni-guni, pantasya ng mga gustong bumalik sa kapangyarihan,” ani Roque.

PANOORIN: Marijuana at ecstasy nasamsam sa buy bust sa Makati

Kung makapagsimula aniya ang gobyerno ngayong Pebrero sa vaccination program ay halos kasabay lang ng Pilipinas ang mga karatig bansa na magbakuna para sa kanilang mamamayan kaya malinaw na hindi kulelat ang Pilipinas.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.