Abante Tonite Interactive

Hindi tinapos ang ‘It’s Showtime’ Mariel naospital

774

Ini-reveal ni Mariel Padilla na naospital pa siya a day before her surprise birthday party for husband, Robin Padilla. Kuwento ng TV host sa kanyang vlog sa YouTube, natakot daw siya habang nasa “It’s Showtime” siya nang pagpawisan siya nang malamig.

“Nag-Tawag ng Tanghalan ako, tapos parang feeling ko kailangan ko mag-go sa toilet. Tapos pinawisan ako nang sob­rang malamig.

“As in, ang tagal ko nang hindi napapawisan ng ganu’n. Natakot ako. Tapos para akong nasusuka,” kuwento ni Mariel na as we all know ay kasalukuyang buntis sa second baby nila ni Robin.

Hindi na raw niya tinapos ang “It’s Showtime” at tiningnan na raw siya ng ABS-CBN medical team sa dressing room and found out that she was having contractions.

“Nawawala, tapos, bumabalik, tapos, nawawala, tapos bumabalik. Contractions ‘yan. So, in-ambulance nila ako from ABS to St. Luke’s.”

Good thing, okay naman si Mariel at ang kanyang baby at ang lakas pa nga raw ng heartbeat ng bata.

Ang nakakatuwa, dahil nga naospital siya ay ipinapa-postpone ni Robin ang event na akala niya ay birthday party ni Mariel without knowing na surprise b-day party para sa kanya ang inihahanda ng misis.

Pero si­yempre, nanindigan si Mariel na hindi puwedeng i-postpone dahil siyempre nga naman, naka-ready na lahat since kinabukasan na nga ang event at sobrang effort talaga ang ginawa ng TV host sa paghahanda nito.

Natawa kami sa video kung saan ay pumapasok na sina Mariel at Robin sa loob ng function room ng Raffles Hotel kung saan ginawa ang event at i-announce ng host na it’s his birthday party. At this point ay napaiyak na nga ang TV host habang sinasabi sa mister na “it’s a surprise for you!”

Gulat na gulat si Binoe at sabi niya kay Mariel, “Babe, ano’ng trip mo?”
Sagot naman ni Mariel, “Kasi, ‘pag nag-50 ka, wala ako.”

Robin will be turning 50 years old on November at talagang last year pa raw nila pinaplano ni Betchay Vidanes (ma­nager ni Robin) ang gagawing party for him. Kaso nga ay bigla raw siyang nabuntis kaya they had to change plans since sa US siya manganganak and by November ay wala na siya sa bansa.

In this event ay lalong napatunayan ng mga tao kung gaano kamahal ni Mariel si Robin na talagang kahit buntis na siya ay ang kaligayahan pa rin ng mister ang kanyang iniisip.

“It was everything that I ima­gine it would be. All his close friends were here, ‘yung mga family members niya, ‘yung mga tunay niyang kaibigan, ‘yung mga matagal nang hindi niya nakikita, nandito silang lahat ngayon. So, ramdam na ramdam niya ‘yung love for him and that’s I really what I wanted,” sabi ni Mariel.

Siyempre, ang lalong nagpabongga ng affair ay ang pagdating ni none other than Pres. Rodrigo Duterte. And talagang nag-succeed si Mariel in making her husband’s 50th b-day celebration a really memorable one.