Abante Tonite Interactive

Hindi totoong nanapak si Matteo — Sarah

1,499

Sobra raw naapektuhan si Sarah Geronimo sa gulong nangyari sa kasal nito kay Matteo Guidicelli.

Ayon kay VIVA Entertainment boss Vic del Rosario sa panayam sa Wanted sa Radyo, iyak daw nang iyak si Sarah sa nangyari.

Nagpunta raw si Del Rosario sa kasal dahil tinawagan siya ni Matteo para maawat ang gulo.

Pinalabas daw niya si Sarah sa ­kuwarto para kausapin ang ina nito na si Mommy Divine.

Pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Mommy Divine ay umalis na sina Sarah kasama ang asawa na si Matteo kung saan sumunod daw ang bodyguard na si Jerry Tamara.

Kinabukasan matapos ang kasal ay ­nakausap daw niya si Sarah at sinabi na wala itong nakita o nalalaman na ­sinuntok ni Matteo ang bodyguard.

Ayon kay Sarah, hindi totoo ang sapa­kan at wala ring baril sa eksena dahil sila ni Matteo ang laging magkasama noon.

“Wala siyang nakita at wala siyang alam na sinuntok ang bodyguard ni ­Matteo. Ayon kay Sarah hindi totoo ‘yun. Walang baril, wala lahat, wala siyang ­nadinig,” ani Del Rosario.

Pinayuhan din daw niya si Mommy ­Divine na pagbigyan na ang pagpapakasal nina Matteo at Sarah.

Noong mga oras na iyon ay pagkabigla raw ang reaksyon ni Mommy Divine pero tingin niya ay maaayos din ang lahat. (IS)