Abante Tonite Interactive

Hindi umiiyak ang mga astronaut sa outer space

49

Si Leonardo da ­Vinci ay isang dakilang siyen­tista, embalsamador, musikero, pintor, inhinyero, eskultor, at imbentor na lumikha ng ‘GUNTING’

***

Alam niyo ba na ang mga astronaut sa outer space ay walang kakayahang umiyak, wala ka­sing gravity, kaya walang lumalabas na luha sa kanilang mga mata.

***

Alam niyo ba na ­bawal sa Finland ang komiks o anumang cartoon shows ni Donald Duck, ang dahilan? Wala itong suot na brief!

***

Ang kauna-unahang computer ay tinawag na Z1 na inimbento ni Konrad Zuse noong 1936 at pagkalipas ng tatlong taon, naimbento rin ang Z2, ang kauna-unahang computer na gumagamit ng kuryente. Ito’y kasalukuyang matatagpuan isang museum.

***

Bakit kulay dilaw ang lapis? Noong 18th century, sa China matatagpuan ang pangunahing sangkap sa paggawa ng lapis (graphite). Naisip ng mga Amerikanong imbentor na kulayan ng dilaw ang mga lapis dahil sa China, ang kulay ­DILAW ay nangangahuluhagang ng “Kadakilaan at Kagalang-galang”.

***

Related Posts

Alam n’yo bang hindi madulas ang yelo? Kapag tinapakan o hinawakan ang yelo ay natu­tunaw ang ibabaw na surface nito at nagiging tubig. Kaya ang TUBIG ang nagpapadulas rito.

***

Alam niyo ba kung saan matatagpuan ang pinakamalaking paaralan sa buong mundo? Dito sa Pilipinas ito matatagpuan kung ang bilang ng mga estud­yante ang pagbabatayan. Ang Rizal High School sa Caniogan, Pasig City ang tinaguriang “Pinakamala­king Paaralan ng Sekon­darya” sa buong mundo na may 20, 000 estudyante.

***

Ang mga daga ay nagtatalik ng dalawampung beses sa isang araw. Ito’y napatanuyan sa isang pagsusuri na ginanap sa Estados Unidos. Kaya pala kapansin-pansin ang mabilis nilang pagdami na talagang pumepeste hindi lang sa ating mga kabahayan kundi pati rin sa ating mga kabuhayan.

***

Isang kabibe ang itinuturing na pinakamatandang hayop sa buong mundo. Ito ay pinangalanan nilang ‘Ming’ na ang edad ay 405 taon. Ito’y nadiskubre ni Dr. Alan Wanamaker noong 2007.

***

Ang may hawak sa may pinakamahabang DILA sa buong mundo ay si Stephen Taylor ng Italy. May habang 3.74 pulgada ang kanyang dila.

***

Ang mga itik kapag sasapit ang dilim ay kalahati tulog at kalahati gising ang mga utak. Nahahati sa dalawa ang tungkulin ng kanilang utak — ang isa ay u­pang i­pang­t­u­log habang ang isa naman ay upang magbantay at magprotekta laban sa anumang banta sa paligid.