Abante Tonite Interactive

Hinigop ng balon: Teenager, 2 pa todas

388

Todas ang tatlo-katao kabilang ang isang menor de edad matapos malunod sa isang malalim na balon habang naliligo sa Barangay Don Matias, Burgos, Pangasinan noong Martes.

Ayon kay Burgos Municipal Police Station (BMPS) office-in-charge Police Capt. Manuel Garcia ang mga biktima ay sina Melencio Lico, 42; Joey Punso, 37 at Riggie Miro, 15, pawang nakatira sa nasabing barangay.

Sa telephone interview, sinabi ni Garcia sa Tonite, na nagkaayaan ang mga biktima na maligo sa balon sa nasabing lugar.

Sa report, unang lumusong si Miro at sumunod sina Lico at Punso.
Dito, ayon sa mga pulis, nagsimulang makaranas ng suffocation o hirap sa paghinga ang tatlong biktima hanggang sa sila ay mahilo at kinalaunan ay nalunod.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit sila ay dead-on-arrival, ayon sa mga medical expert. (Allan Bergonia)