Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hinimatay na preso, natuluyan

0 96

Isang preso ang natagpuang walang malay sa loob ng kaniyang piitan sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, at namatay nang isugod sa ospital nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang preso na si Ali John Cruz, 47, taga-Bonifacio Avenue, Barangay 105, Balintawak, Caloocan City.
Ang insidente ay naganap sa detention cell ng QCPD Kamuning Police Station (PS-10), sa EDSA cor. Kamuning alas-6:45 ng umaga.

Ayon kay PSSg. Ariel Traspe, July 7, 2020 ay inaresto si Cruz dahil sa iligal na droga.

Pero nitong Lunes ng umaga ay humingi ng saklolo ang kasamang preso na si Richard Bigonte nang makitang walang malay si Cruz.

Agad namang dinala ni PCpl. Jomar Ramos, duty jail guard si Cruz sa East Avenue Medical Center subalit binawian din ng buhay ang biktima.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing preso.

Pinigilan naman ng duty security guard na pumasok ng ospital ang mga awtoridad na magsasagawa ng ‘cursory examination’ dahil sa COVID-19 pandemic. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.