Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hinimatay

0 95

Kamakailan ay naging viral sa social media ang isang opisyal na hinimatay sa kalagitnaan ng isang seremonya sa Rizal Park. Madaming haka haka ang naging mga komento ng mga netizens. Naroon ang baka hindi kumain, o di kaya ay dahil sa init ng panahon, ang iba naman ay baka naman may sakit at nagpumilit pa. Ganoon din ang mga tanong sa atin. Bakit hinihimatay ang isang tao. Ito ba ay delikado? Maiiwasan ba ito? At biglaan lang ba talaga o mayroon mararamdaman bago himatayin.

Suriin natin ang mga katanungan sa atin, ngunit unang una, ang hinimatay o nagkaroon ng loss of consciousness ay tinatawag na syncope. Ang tunay na dahilan ay ang pagbago ng blood pressure, pagbagal ng tibok ng puso, at dahil dito, hindi maganda ang daloy ng dugo sa utak. Ito ang patolohiya ng syncope. Ito ay tumatagal ng ilang Segundo hanggang ilang minute. Kadalasan ay hindi maalala ng hinimatay ang mga pangyayari sa mga sandaling yon. Madaming mga dahilan na maaaring umabot sa ganito, at lahat ng nabanggit ng mga netizens ay maaaring sanhi ng pagkahimatay. Ang pagkagutom o nalipasan ng gutom at hindi nakakain ng maayos lalo na kung may diabetes; ang sobrang init ng panahon; mga karamdaman tulad ng epilepsy o nagkakaroon ng seizures; o kung minsan wala talagang dahilan. Alinman ay nagkakaroon ng problema sa padaloy ng dugo sa utak. May mga sintomas na maaaring maramdaman kung sakaling hihimatayin. Ito ang mga sumusunod: ang paghihilo, umiinit ang katawan o hot flashes, nanlalabo ang paningin, pinagpapawisan ng malamig, pagbigat ng mga binti, kung minsan hindi makagalaw, o pati pananalita ay mahirap din, maaarin nalilito, naliliyo, o dikaya nasusuka o nagsusuka. Kung maramdaman ito ay agad sabihan at abisuhan ang katabi dahil sa posibilidad na himatayin na. Ang karagdagang problema at kumplikasyon pa ay kung talagang himatayin ay ano ang sahig na babagsakan ng katawan, maaaring masugatan, mabagok ang ulo, at mabalian pa. Kung may mag sintomas maramdaman, mainam na kontrahin ang mag kasalukuyang sitwasyon. Kumain ng mabuti, umalis sa mainit na lugar o kung naaarawan ay sumilong. Kung alam naman na may sakit, agarang inumin ang mga gamot na naireseta at naipayo ng doktor.

Hindi natin masasabi kung mangyayari sa atin ito o guniguni lang ng imahinasyon natin. Kaya hindi rin natin masabi kung delikado ng aba o hindi namankung himatayin. Ang mahalaga ay regular na magpatingin sa doktor ng mabawasan ang posibilidad nito. Kung sakaling hinimatay nga, dapat malaman ang naging sanhi nito.

Hanggang sa susunod ! Stay Healthy! Stay safe! Be vaccinated and boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23, tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.