Abante Tonite Interactive

Hininga ni NSA official parang imburnal

By
1,656

Dumidistansiya at ilag ang ilang kawani ng Philippine Sports Commission kapag kausap o may transaksiyon ang isang dating national sports association official sa kanilang pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.

Mabait naman at galante ang NSA official na ito at ma-PR din talaga. Katunayan, minsan na siyang naging darling of the press. Olympic sports ang kanyang pinamumunuan.

Ang problema sa opisyal ay mahilig siyang mamulitika sa sports. Kaya niyang gumawa ng grupo-grupo ng NSA para labanan minsan ang mga sakit ng ulo sa Philippine sports.

Abante Hiring – IT dep

Kinabibiliban din ang opisyal sa madalas na pagbibigay ng pasalubong lalo’t kapag nagpakitang-gilas ang kanyang mga atleta sa isang laro sa abroad.

‘Yun lang, may bad breath ang opisyal.

Pero kung maalis lang niya, tiyak na mas magiging maganda ang ang pakikitungo sa kanya ng mga taga-PSC.

Sino si sir? May letrang ‘T’ sa kanyang pangalan. ‘T’ as in talamak sa bantot ang hininga ni sir.