Abante Tonite Interactive

Hiningal sa overpass, misis todas

378

Namatay ang isang ginang matapos umakyat­ sa mataas na overpass sa Barangay San Bartolome, Quezon City, nitong Miyerkoles ng tanghali.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-12:00 ng tanghali (Pebrero 26) nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa nakilalang ginang na tinatayang nasa edad 50-55, may taas na 4’9, naka-black and white stripe long-sleeved at printed assorted color leggings sa overpass sa Quirino Highway malapit sa San Bartolome Elementary School, Brgy. San Bartolome.

Nagbabantay umano sa barangay outpost ang tanod na si Apolinario Llaguna nang may nag-report sa kanya na may isang babae ang tila naghihingalo umano sa nasabing overpass.

Agad na ipinagbigay alam ng tanod sa pulis­ya ang insidente subalit pagdating sa lugar ay wala nang buhay ang ginang.

Wala namang nakitang mga injury sa katawan ng ginang kaya hinihinalang nahapo ito sa pag-akyat sa overpass, nahilo o inatake at saka tuluyang tumumba. (Dolly Cabreza)