Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hinostage anak, erpat nadulas sa ilog

0 194

NAILIGTAS sa bingit ng kamatayan ang 2-buwan gulang na sanggol na hinostage ng sariling ama sa Cateel, Davao Oriental Miyerkoles ng gabi.

Sa report, gamit ang isang itak, hinostage ng 24-anyos na si “Rey” ang asawa’t anak sa kanilang bahay.

Kinausap ng mga pulis, barangay kagawad at mga tanod si Rey para pakiusapan na huwag saktan ang kanyang mag-ina. Pero dinala ni Rey ang sanggol sa ilog, tinutukan ng itak sa leeg at nagbantang papatayin niya ito.

Nilapitan naman ng team leader na si Police Chief MSgt. Ruben Iway si Rey pero nagalit ito at tinaga ang pulis na masuwerteng nakailag.

Nadulas umano si Rey sa may ilog habang umaatras at nabitawan ang bata, na agad namang nasagip ng mga rumespondeng pulis. Isinugod sa Davao Oriental Provincial Hospital ang sanggol.

Nabaril naman ng mga pulis si Rey, at agad siyang isinugod sa Mati Provincial Hospital at ngayo’y nagpapagaling habang binabantayan ng mga pulis.

Inaalam pa ang motibo sa panghohostage ng suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.