Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hinuling `Pride 20’ pinalaya na

0 348

Pinalaya na ng Manila Prosecutors Office ang 20 LGBT na unang inaresto at kinasuhan nang paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act matapos magsagawa ng kilos protesta kamakailan sa Mendiola, Maynila.

Nabatid kay Minerva Lopez, abogado ng Pride 20, na hindi sapat ang ebidensiya ng mga pulis kaya pinalaya ang grupo.

“The resolution ordering their release for further investigation only proves that the evidence submitted by the Manila Police is insufficient. We also assert that apart from being insufficient, the allegations in the complaint as well as the pieces of evidence presented are also baseless. Walang batas na nalabag, walang krimen,” ayon kay Lopez.

Nalaman na sasampahan ng kaso ng Pride 20 ang mga pulis na umaresto sa kanila noong Biyernes.

Matatandaan na ang pagsasampa ng counter charges ay inihayag na ni Lopez habang inaasikaso pa ang pagpapalaya sa Pride 20. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.