Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hipon Girl walang datung

0 2,144

NI: ROLDAN CASTRO

Napansin si Herlene Nicole Budol aka ‘Hipon Girl‘ bilang co-host sa Wowowin.

Nu’ng mapag-usapan nina Willie Revillame at Donita Nose sa ‘Tutok to Win’ si Super Tekla na humihingi ng tulong , nag-text din si Hipon. Wala na rin umano siyang pera. Apektado na rin siya sa quarantine at matumal na raket.

Hindi pa siya napapanood ulit sa Wowowin dahil focus muna ang show sa segment na Tutok To Win.

Ayon kay Kuya Will gusto niyang mag-reunion sa programa sina Donita, Super Tekla at Hipon.

Muli na naman niyang nabanggit si Hipon nang katsika ni Willie sina Super Tekla at Donita sa show.

“Para kumpleto na ang rekados, hipon na lang ang kulang dito. Di ba?,”lahad niya.

So, abangan ang muling pagsama-sama nila sa show.

Leave A Reply

Your email address will not be published.