Abante Tonite Interactive

Hirap mag-adjust! Indonesia atras kay Denzel Bowles

0 313

Hindi na itutuloy ng Indonesia national team ang planong pagkuha kay Denzel Bowles para sa 2019 Southeast Asian Games.

Sa Indonesian website na detik.com, sinabi ng national team manager na si Maulana Fareza Tamrella na kanila nang tatanggalin si Bowles sa kanilang roster.

“His mentality likes to change so it becomes less stable,” ayon kay Tamrella.

“Denzel also still really needs adaptation with the national team. But from the national team it is not possible to wait any longer so it is immediately decided (crossed out),” aniya pa.

Ibig sabihin ay hindi matutuloy ang pagsasama nila ng dating Gilas mentor na ngayon ay coach na ng Indonesia na si Rajko Toroman.

Dati nang sumalang si Bowles para sa B-Meg sa PBA kung saan siya nagkampeon.

RP