Abante Tonite Interactive

Hirap mamili

175

Sangkatutak, nagkalat ang iba’t ibang uri, modelo at antas ng fuel efficiency ng mga sasakyan online.
Nakakahilong mamili.

Ito ba? O, ‘yun? Hindi, ito na lang. Ganyan ang papasok na mga kataga at pangungusap sa isipan kapag naghahanap ng tamang sasakyan.

Libo ang nagkalat sa iba’t ibang grupong bentahang sasakyan ngayon na nasa internet maliban pa sa mga may pangalang search outfits.

At ngayon napakadali. Literally at your fingertips. May data ka lang o wifi connection, go ka na online car finding expedition.

Gayunpaman, iba pa rin ang actual na pagsusuri bago magdesisyon sa isang unit.

Paalala, unahin muna ang mga papeles kung ang mga ito ay orihinal. Isa na rito ay ang certificate of registration sa LTO. Kasunod niyan, tingnan din ang certificate of vehicle registration na galing Camp Crame.

Nararapat din busisiin ang mga deed of sale ng sasakyang bibilin.

Huwag kalimutang manghingi ng xerox ng ID ng nagbebenta para kung may prolema man ang sasakyan, mayroon kayong ipapakitang papel kung saan nanggaling ang dala nyong sasakyan.

May isa ring paraan ngayon, online pa rin, ng pag-check instantly ng tunay na katayuan ng isang kotse, SUV, van, motmot o anupaman.

Hindi ito advertisement ngunit napakabisang paraan malaman ang “true identity” ng isang sasakyan.

Bago bumili ng segunda-manong sasakyan, i-text ninyo muna sa 2600 at isulat ang LTO Vehicle at plaka ng sasakyan o unit na bibilin.
To God be the Glory!