Abante Tonite Interactive

Hirap sa Pagtulog: Paano Sosolusyunan?

By
1,184

Hindi ka ba makatulog sa gabi? ‘Yung tipong nakaka-ilang ikot ka na sa kama mo pero hindi ka pa rin dapuan ng antok. May tips ang ilang medi­cal experts sa mga may problema sa pagtulog.

Basic tip ni Dr. Willie Ong ang pagkakaroon ng regular sleeping and waking up schedules. Matulog sa itinakdang oras gabi-gabi. Walong oras ang regular sleeping hours bawat araw.

Importante rin daw na may regular exercise at mag-maintain ng right diet.

Abante Hiring – IT dep

Sa mga alcoho­lic d’yan, iwasang uminom ng alak. Ayon kay Dr. Ong, “Alcohol may dose off but the quality of sleep is poor.” Avoid drinking coffee too. May caffeine content ito na nakapagpapabuhay ng iyong diwa at isip.
Ilan pa sa tips ng medical expert ang sumusunod:

* No mental work after 6pm. Hangga’t maaari, huwag nang mag-isip ng kung ano-ano sa gabi para maka­pahinga nang maaga.

* Try supplements. Mainam din kung may iniinom kang vitamins para mas maging mahimbing ang iyong tulog.
* Drink hot milk or tea. Uminom ng mali­gamgam na gatas o kaya’y chamomile tea. It will keep you warm. Mabilis ka ring makakatulog.

* Avoid working and planning at night. Huwag mag-schedule ng early meeting. Karaniwan kasing pinupuyat mo ang sarili mo sa trabaho kapag may maagang meet-up ka the next day.

* Have a comfortable bedroom. Importante na malambot ang iyong higaan para kompor­table kang matulog. Patayin din ang ilaw kung mas makatutulong ito sa mabilis mong pag-idlip. Kung kaya ng budget, mag-install din ng air-con sa kuwarto.

* Cover your eyes and ears. Para sa iba, mas mabilis silang makatulog nang may cover ang mga mata at tenga.

Ang sa akin lang, huwag kalimutang magdasal bago matulog. Importanteng magpasa­lamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap. Ipanalanging maging mahimbing ang iyong tulog para maganda ang gising sa susunod na araw.