Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hirit kay Duterte: Mga hotel gawing temporary hospital

0 184

Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang grupo ng mga doktor na gawin munang temporary hospital ang mga hotel sa bansa habang patuloy ang pagsirit ng mga kaso ng coronavirus infection.

“Kami sa Philippine College of Physicians, we already wrote to the President. We are recommending maybe kailangang i-transform yong hotels into a health facility,” pahayag ni PCP vice president Dr. Maricar Limpin sa isang panayam sa telebisyon.

Paliwanag pa ni Limpin, puwede aniyang kunin ang mga healthcare worker mula sa ibang rehiyon at italaga muna sa mga pasilidad na pansamantalang gagawing ospital para sa mga dinapuan ng COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni Limpin na mga mild hanggang moderate case lamang ng COVID-19 ang tatanggapin sa mga pansamantalang hospital facility para mabawasan ang bigat na pinapasan ng mga ospital sa mga pasyenteng malubha ang kaso ng coronavirus infection.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Senador Nancy Binay sa panawagan ng mga doktor para i-convert ang ilang hotel bilang temporary hospital para sa mga mild hanggang moderate COVID-19 patient.

“The move to tap hotels will help lessen the burden on health workers, and hospitals that are currently admitting severe cases,” ayon kay Binay.

Malaking sakripisyo aniya ito sa parte ng pribadong sektor subalit naniniwala siyang nakahanda namang tumulong ang hotel industry para matugunan ang pandemyang dulot ng COVID-19.

“They are in a unique position to help and complement our hospitals and local quarantine centers to support our healthcare system. They have the backbone in providing viable solutions to quarantine challenges at this very critical time,” ayon pa kay Binay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.