Abante Tonite Interactive

Hirit na buwagin ang mga wage board tinabla

By
0 113

Ibinasura ng Malacañang ang pa­nawagan ng ilang grupo na buwagin na ang mga Regional Tripartite Wa­ges and Productivity Board dahil sa pagiging inutil umano sa kapakanan ng mga ordinaryong manggagawa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangan ang aksiyon ng Kongreso para buwagin ang mga wage board at hindi ito nagagawa lamang sa isang kumpas.

Hindi aniya iisang grupo lamang ang makapagsasabi kung epektibo o hindi ang mga wage board kundi kailangang idaan ito sa konsultasyon ng mga stakeholder para makuha ang pulso ng mga ito.

Pero ipapaubaya na aniya ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa disposis­yon ng Kongreso ang hirit na buwagin na ang mga wage board habang sa panig ng ehekutibo ay pag-aaralan ang mungkahing pagbabago sa istraktura nito.