Abante Tonite Interactive

Hirit ng mga bakwit: Gown, suit ‘di namin kailangan

387

Bagama’t nagpapasalamat naman ang mga bakwit sa mga tumutulong at patuloy na nagkakaloob sa kanila ng mga donasyong damit, nakiusap naman ang mga ito na dapat sana ay ‘yung kanila namang maisusuot ang ibibigay sa kanilang mga kasuotan kahit mga luma na.

Sa ipinadalang mensahe ng netizen na si Sechelle Smith sa KAMI, nanawagan ito patungkol sa mga natatanggap na donasyong damit na sana ay maisusuot ng mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal

Maaaring naging katuwaan aniya ng mga bakwit ang mga padalang damit gaya ng mga gown at suit ngunit ‘di naman daw talaga nila ito masuot at karamihan ay nakatambak lamang sa kanilang tanggapan at ‘di na rin nila ibinibigay kung alam nilang ‘di naman magagamit.
Masaya naman daw silang nakakapagbahagi ng mga padalang tulong ngunit sana raw ay iyong siguradong magagamit pa ng mga evacuee. (Dolly Cab­reza)