Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hirit ng mga imbiyernang pasahero: CebuPac kulelat mag-refund, iboykot

0 126

Nanawagan na ng boykot ang ilang mga kostumer ng Cebu Pacific, ng mga Gokongwei, dahil sa mabagal diumanong aksyon ng kompanya sa pag-refund ng kanilang ticket.

Sa official Facebook page ng Cebu Pacific kung saan pinagmamalaki nito ang kanilang 25th anniversary, galit na galit na ang ilang mga pasahero na anila’y isang taon na nilang hinihintay.

Comment ni Sarah Besas sa Facebook post ng Cebu Pacific, “Ang tagal ko ng ready na makatanggap ng refund, last year pa!!!! P**y*ta!!!! Kung ipinangrerefund niyo na lang sana yung ipinambayad niyo ng TF ng endorser niyo, baka sakaling matuawa kahit konti ang mga Pilipino!!! Punyeta talaga!!!! LET’S BOYCOTT CEBU PACIFIC!!!”

May 49 comments sa thread ni Besas. Sabi ni Teresita Maranan, “Cebu Pacific Air me too its been a year. How can I process my refund?”

“Ambagal mag process ng refund!” sabi naman ni Mau Mau.

“Pls return my refund pls. Almost one year na…” sabi naman ni Eden Peña Biglaen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi naman ni Ezra Mequi kay Besas, “same here…busseeeeeeeetttt na cebu pac. Sabi this Feb daw samin. Natapos na ang buwan, wala pa din buuusssssssseeeeetttttt”

“Refund muna bago ung pa birthday mo Ceb pac!” sabi naman ni Gene Christian Roque.

Inanunsiyo ng Cebu Pacific na hindi na ito maniningil sa mga pasaherong nagre-rebook ng flight at maaari nilang gawin ito kahit gaano kadaming beses nila kailangan. Ayon sa pahayag ng Cebu Pacific, naniniwala itong kailangan nitong maging flexible para maibalik ang kumpiyansa ng mga pasahero.

Makakatulong din umano sa kompanya ang pagpayag nitong mag-rebook ang mga pasahero kaysa i-refund nito ang perang ibinayad na ng mga pasahero.

Gayunman, sabi ng netizen na si Meinard Rivera, “Sana mabalik na ang refund ng cancelled flights, nakawawalang gana na kasi magbook & rebook maski no change fee.”

Duda naman si JChester Tingson sa free rebooking ng Cebu Pacific. Aniya, “SUS Another SCAM. SASABIHIN LANG YAN DI PWD PALITAN ANG PROMO TICKET.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.