Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hirit ng mga senior na mag-mall kinampihan

0 416

Suportado ni senior citizen advocate Romulo Macalintal ang hiling ng National Commission on Senior Citizens na payagan silang makapamalengke o makapag-mall tuwing umaga.

Sa isang panayam, sinabi ni Macalintal na magandang mabigyan ng window-hour ang mga senior na hindi naman lahat ay mahihina na.

“Para magkaroon talaga ng sapat na panahon ang ating mga senior citizens para hindi na sila napapasabay sa hindi seniors,” pahayag ni Macalintal.

SM food to go Banner Ad

“Tama lang na magkaroon ng sapat na oras para ilaan para sa amin,” sabi niya.

Magugunita na pinagbawalan ng IATF ang mga seniors na lumabas ng kanilang tahanan gayong nasa ilalim pa rin ng quarantine dahil base na rin sa mga eksperto mas malaki umano ang tiyansang mahawa ng COVID-19 ang mga vulnerable sectors tulad ng senior citizens at mga kabataan kaya’t hinihikayat silang manatili na lamang muna sa kanilang mga bahay .

Nilinaw naman sa guidelines ng IATF na papayagan ang mga senior citizen na lumabas para bumili ng gamot o pagkain kung wala namang ibang kasama sa bahay na puwedeng gumawa nito para sa kanila. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.