Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hirit ng PNP: Protesta sa SONA idaan sa online

0 223

Hinihikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga grupong nagpaplanong magsagawa ng kilos protesta sa darating na ikalimang State of the Nation Address (SONA) na idaan na lang ito sa online.

Ayon kay PNP chief General Archie Francisco Gamboa, ang kanyang apila sa mga protesters partikular sa mga grupong laban sa pangulo ay upang hindi nila malabag ang mga health protocols katulad ng mass gathering at social distancing dahil ang panahon ay hindi katulad ng mga naunang SONA ng pangulo dahil sa nararanasan ngayong pandemya.

“Nakikiusap kami na kung pwede, just do it online because these are not ordinary times. We have a specific situation which is itong pandemic,” pahayag ni Gamboa sa isinagawang virtual press briefing sa Camp Crame nitong Lunes.

Nakatakdang magsagawa ng kanyang ika-5 SONA si Pangulong Duterte sa Hulyo 27 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.