Abante Tonite Interactive

Hirit ni De Lima vs Duterte butata sa SC

352

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon nang nakadetine na si Senador Leila de Lima na humihiling na mag-isyu ng writ of habeas data laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa SC, ito ay dahil sa may immunity si Duterte sa amumang demanda dahil siya ay Presidente ng Pilipinas.

Sa pagbasura sa petition ng Senadora, paliwanag sa resolusyon na ang nakaupo pang presidente ay hindi maaaring kasuhan ng kriminal, sibil at administratibo.

Sinabi pa sa ruling na isinulat ng nagretirong chief justice Lucas Bersamin noong Oktubre 15,2019 na ngayon lang isinapubliko, maaari lamang kasuhan ang Punong Ehekutibo sa sandaling tapos na ang kanyang pamumuno sa pamamagitan ng pagbibitiw sa tungkulin o pagsibak sa kanya sa puwesto. (Juliet de Loza-Cudia)