Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hirit ni De Lima vs Phisgoc aksyonan – Ping

0 124

Nais mangyari ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na aksyonan ang resolusyong inihain ni Senador Leila de Lima na humihiling imbestigahan ang sports facility na pinagawa ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) para sa 30th SEA Games noong 2019.

“Not for anything pero dahil may resolution o privilege speech ang isang kasamahan namin siguro dapat itong matingnan din kung mai-refer ito sa committee on sports,” sabi ni Lacson.

Dapat aniyang tingnan kung mayroong basehan ang hinihiling na imbestigasyon ni De Lima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Out of respect to a colleague dapat tingnan at least preliminary kung may basehan at kung meron ituloy ang committee hearing, kung wala pwedeng `wag na magtawag,” ani Lacson.

Dagdag ni Lacson, naiintindihan niya ang sitwasyon dahil galing din siya noon sa minority group subalit hindi naman sila binabalewala.

“Sa akin lang kasi porke ba minority group ay babalewalain na,” sabi pa ng senador.

Binigyang-diin pa ni Lacson na walang kinalaman sa mga atleta ang isyu ng hinihinging imbestigasyon sa sports facility.

Leave A Reply

Your email address will not be published.