Abante Tonite Interactive

Hirit ni Ogie: Willie inubos daw ang pera ng TV5

By
5,740

Ang daming nagrereak sa laglagan video na kuha namin sa birthday party ni Tito Bobot Mortiz nu’ng Sabado night na pinost namin sa YouTube.

Nayayabangan ang mga netizen kay Willie Revillame, pero biruan lang kasi lahat ‘yon ng magkakaibigan at hindi ito dapat seryosohin.

Ganu’n lang talaga si Willie at sanay na ang mga friend niya sa klase ng humor ng comedian-TV host.

Gaya nu’ng hirit ni Willie kina Vhong Navarro at Jhong Hilario about ‘It’s Showtime’ na, “Timeslot ko ‘yun, ah?!”

Nang may magbanggit naman ng ‘Wildflower’, ang hirit ni Willie, “Anong ‘Wildflower’? Tanga! Kalaban ko ‘yun, eh! Wala na ‘yun, bago na. ‘Meteor Garden’ na ang tumapat sa akin!” sabay tawa.

Kahit si Tirso Cruz III ay hiniritan niya ng, “ABS ka pa ba? Hinihintay ka ng GMA!”

Tapos dugtong niya, “Malaki budget, eh. Malaki magbayad ang GMA!” sabay sundot kay Ogie Alcasid ng, “‘Di ba?”

Ani Ogie, “Mas malaki sa…” hindi pa tapos si Ogie ay si Willie na ang nagdugtong ng, “Sa TV5! Ha! Ha! Ha! Yumaman kami du’n!!”
Buwelta ni Ogie, “Hindi, ikaw lang ang yumaman! Ang problema, pagdating ko du’n, inubos na niya (Willie), eh!”

“Hindi, ah? Hindi totoo ‘yan,” natatawang tanggi ni Willie.

May dayalog pa ito kina Vhong at Jhong na, “Halikayo, bakit ang yabang-yabang n’yo sa ‘Showtime’, ngayon natahimik kayo?!”

Dagdag pa nitong pang-uurot, “Penge ngang mic! Nang makita ko kung nakakatawa ‘tong mga ‘to!”

Laugh na lang sina Vhong at Jhong, na sanay na sa kanilang Kuya Wil.

“Tumaba ka sa ABS, ah? Masaya ka ba?” isa pang sundot nito kay Ogie.

In fairness ay si Willie ang punong abala sa 64th birthday party na ‘yon ni Tito Bobot sa 42nd floor ng Wil Tower.

Itinuturing niyang mentor si Direk Bobot na nagturo raw sa kanya na magpakasal at magpa-annul bilang career move. Ganu’n nga raw ang nangyari sa kanya sa totoong buhay.

Kasama ni Willie sa party ang limang girl na co-host niya sa ‘Wowowin’ kabilang sina Sugar Mercado at Patricia Tumulak.

Pinayuhan ni Tito Bobot ang girls na huwag sanang maloloko sa mga pasakalye ni Willie. At ‘pag pinamili raw ang mga ito ni Wil sa Rockwell ay piliin na agad ‘yung mga mamahalin.

Base sa panunukso ni Tito Bobot ay mukhang si Nelda Ibe (Bb. Pilipinas Globe 2017) ang bet ni Willie sa limang girls dahil mahilig daw ito sa matatangkad.